PAGKATAPOS ng presscon ng Hanggang Kailan nina Xian Lim at Louise delos Reyes ay natanong namin ang aktor kung pabor siya sa live-in dahil ito ang uso sa mga magdyowa ngayon na gusto munang kilalanin ang isa’t isa bago magpakasal.
Maagap na sagot ni Xian, “Hindi po, hindi po. Kasi I live with my mom and my lola, and ngayon po my lolo. ‘Pag kasal na (puwedeng magsama). I mean, very old-fashioned kasi ako, eh.
“Lumaki ako kasama nanay at lola. I think mas sila talaga ‘yung mas priority ko po.”
Balik-tanong namin sa aktor kung napag-uusapan na nila ni Kim Chiu ang kasal, “ay naku hindi pa po, siguro ‘pag mga 50 o 40 (years old) na, ha, ha.”
Kahit nagbiro si Xian ay gusto naming isiping posibleng totoo ito kasi bakit niya sasabihin ito kung hindi nga totoo? Edad 29 na ang aktor at 28 naman si Kim, tatagal kaya ang relasyon nila ng 20 years more?
Ano naman ang ideal wedding para sa actor? Pero hindi niya ito sinagot dahil ang paniniwala niya, “Baka ma-jinx. Parang tattoo ‘yan, ‘di ba? ‘Pag tina-tattoo mo ‘yung pangalan, parang malas.
“Personal lang, maybe it’s not good to talk about it,” katwiran nito.
Pero inamin ni Xian na naniniwala naman siya sa kasal at si Kim ang gusto niyang makasama sa forever life niya.
Anyway, mapapanood na ang Hanggang Kailan sa Pebrero 6 mula sa direksiyon ni Bona Fajardo at produced ng Viva Films, BluArt Productions, at XL8.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan