Wednesday , April 16 2025
knife saksak

Lasing na seaman nagwala… Mag-ama, kritikal, bebot na kaanak, sabog ang mukha

KAPWA kritikal ang kalagayan ng isang mag-ama sa pagamutan, ha­bang sabog ang mukha ng isa pang kaaanak  maka­raang pagsaksakin at gulpihin ng isang  lasing na seaman na nagwala sa Navotas City, kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang patuloy na ginagamot sa  Tondo Medical Center (TMC) na sina Salvador Rubinas, 61-anyos at anak nitong si Adrian, 30, kapwa residente sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sanhi nang mga tama ng saksak sa iba’t ibang bagahi ng katawan.

Wasak din ang muk­ha at sabog ang ilong san­hi ng mga suntok ng isa nilang kaanak na umawat na kinilalang si Jennifer Rubinas, 35-anyos.

Arestado ang suspek na kinilalang si  Romelito Vicencio, Jr., ng Tumana, NBBS, nahaharap sa mga kasong  frustrated double murder at physical inju­ries.

Bago ang insidente, nasa loob ng basketball court sa Block 3343, Tumana ang mga biktima dakong 7:30 ng gabi nang biglang dumating ang suspek na agad pinag­sasaksak ang mag-ama habang pilit na umaawat si Jennifer hanggang siya rin ay saksakin ng seaman at wasakin ang mukha.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *