Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Born Beautiful, R-16 na, maipalalabas pa sa 140 sinehan

MAY dahilan kung bakit hindi napasama sa 2018 Metro Manila Film Festival ang Born Beautiful dahil sa mga bulgar na salitang ginamit sa pelikula at mga eksenang kissing at love scenes nina Martin del Rosario, Akihiro Blanco, at Kiko Matos.

Aminado naman ang creative head ng IdeaFirst Company na si Direk Jun Lana na hindi nila ini-expect na makapapasok talaga ang Born Beautiful tulad din sa Die Beautiful. Ang pagkakaiba lang, R-13 ang pelikula ni Paolo Ballesteros at R-18 naman ang kay Martin.

“Yes there’s so many factors in this industry na huwag umasa at may plan A and B kami at may plan C pa nga kung ano ang puwedeng gawin,” saad ni direk Jun.

Umapela si Direk Perci M. Intalan sa MTRCB na sana gawing R-16 ang Born Beautiful at handa naman siyang magbawas kung kinakailangan basta lang maipalabas sila sa SM cinemas.

Sakto naman habang kausap namin si direk Jun kahapon sa pocket interview kasama si Martin ay dumating si direk Perci at masaya niyang ikinuwento na pinayagan sila ng MTRCB sa R-16.

“Walang pinutol, nagdagdag lang ako ng bleep-bleep kasi ‘yung bulgar words na sinabi sa movie, so ‘yun lang, kaya ang saya. As of now, nasa 140 theaters na mapalalabas ang ‘Born Beautiful. But we have two versions, R-18 and R-16,” kuwento ni PMI (tawag kay direk Perci).

Pareho naming napanood ang pelikula at napansin naming mas matapang ang Born Beautiful in terms of script at sex scenes, pero dahil nakatatawa kaya hindi masyadong papansinin ang mga bulgar na salita.

Ang Die Beautiful naman ay seryoso kaya ang eksenang nireyp si Paolo bilang Trisha ay masakit sa dibdib dahil hindi niya ito kagustuhan.

Ang paliwanag ni direk Jun, “’yun talaga ang gusto naming mangyari, bulgar at walang takot ang ‘Born Beautiful.’ ‘Yung dati kasi sa ‘Die Beautiful,’ ibang MTRCB ‘yun so I think mas liberal ang dati. Pero kung ngayon ipalalabas ‘yun, feeling ko R-18 din ang kay Pao (Paolo) kasi may sodomy din.

“At saka ibinagay din namin ang karakter ni Barbie sa kuwento na masayahin siya kaya nakatatawa ang ‘Born Beautiful.’

Diretsong tanong namin kay direk Jun kung kaninong idea ‘yung eksenang nireyp si Martin ng Pastor o inspired by, “inspired by ‘yun. Dito sa atin, naku marami, hindi lang sila, may mga pari pa nga ‘di ba?,” pagtatapat ng direktor.

Totoo naman dahil makailang beses na tayong nakababasa sa mga pahayagan at naririnig sa mga balita sa radyo at telebisyon na sangkot ang mga Pastor at Pari sa rape.

“’Di ba may mga asawa’t anak din ang mga pastor at pari?” sabi pa ng director/producer ng Born Beautiful.

Nabanggit pa na marami silang research na ginawa na marami silang alam na paring may mga pamilya na. Katunayan, ang isa sa pelikulang ginagawa niya ngayon na pinagbibidahan nina Eddie Garcia at Jaclyn Jose ay tungkol sa anak ng pari ang kuwento.

Ang suwerte ng Born Beautiful dahil nag-iisang local film na ipalalabas sa Enero 23 na sinadya talaga nina direk Jun at Perci dahil halos lahat ng Pinoy movies ay either Jan 30 o February 6 magbubukas.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …