NAKIISA ang Palasyo sa sambayanang Filipino sa pagdiriwang sa pagkopo ni Sen. Manny Pacquiao sa WBA welterweight title laban sa Amerikanong si Adrien Broner.
Sa kalatas ay sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi naging hadlang ang 11 taon tanda ni Pacquiao kay Broner sa ipinamalas na gilas ng mambabatas sa pakikihamok sa American boxer.
“We thank our pound-for-pound King for not only bringing honor and glory to our flag, but for once again uniting all Filipinos worldwide with his display of athleticism, power and Filipino pride,” ani Panelo.
(ROSE NOVENARIO)