Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Razorback drummer, doctor, 1 pa nag-suicide

TATLONG suicide na kinasasangkutan ng isang celebrity musician, ba­baeng doktor at isang dayuhang Taiwanese ang naitala ng pulisya kaha­pon sa mga lungsod ng Maynila, Pasay at Taguig.

Unang pumutok sa social media ang pina­niniwalaang pagpa­pa­kamaty ni Razorback drummer Brian Velasco nang mapanood ang selfie video na mismong ang biktima umano ang nag-post.

Sa video post sa social media, na agad din tinanggal paglaon, maki­kitang kinunan ni Velasco ang sariling mukha saka pumailanlang sa ere patalikod habang hawak pa rin ang kanyang cell­phone at inire-record ang kanyang pagbulusok. 

Sa unang pagputok ng balita, sinabing nahu­log sa kanyang conmdo­minium ang biktima nang matagpuang patay kaha­pon, Miyerkoles ng umaga sa Malate, Maynila.

Sa ulat ni C/Insp. Rommel Anicete, ng Manila Police District  Homicide section, si Velasco ng Razorback ay naninirahan sa Tower 1 City Land Tower sa panu­­lukan ng  P. Ocam­po at Leveriza streets, na kinatagpuan sa kanyang nalasog na katawan.

Nadiskubre ang du­guang katawan ng biktima sa ibabaw ng safety canopy sa ground floor na sinabing nahulog mula sa 34th floor ng nasabing gusali.

Dinala ang labi ni Velasco sa La Funeraria Paz sa Parañaque.

Lumagda rin umano sa isang waiver ang ina ni Vleasco na hindi na nila paiimbestigahan ang kamatayan ng anak.

Samantala sa Taguig City, natagpuang naka­big­ti sa loob ng banyo ng tinitirahang condo­mi­nium unit ang isang doktora, nitong Martes (16 Enero) ng hapon.

Binawian ng buhay sa St. Lukes Medical Center dakong 6:18 ng gabi ang biktimang si Narcisa Fajardo, 47,  residente sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), natagpuan ng kanyang anak na babae na si Sarah Therese Chaudhry, ang ina na nakabigti ng scarf sa loob ng banyo ng kanilang condominium unit, dakong 5:16 ng hapon.

Sinabi ni Chaudhry sa mga imbestigador ng pulisya, nagulat at nang­hina umano siya nang kanyang madatnan ang ina na nakabigti sa bakal na sabitan ng kur­tina sa banyo.

Dali-dali siyang humingi ng tulong mula sa medic personnel ng Two Serendra at mga guwardiya upang dalhin sa pagamutan ang kan­yang ina pero nalagutan na ng hininga ang biktima.

Masusing iniim­bestigahan ang insidente ng team nina Taguig City police homicide inves­tigators SPO3 Cornelio Diones, SPO2 Roger Aquilesca at PO3 Morced Lagensay.

Sa Pasay City, isang Taiwanese national ang tinapos ang sariling bu­hay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa gilid ng kalsada sa Pasay City, nitong Martes  ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Wang Yi Chieh, pansa­manta­lang tumutuloy sa isang hotel sa lungsod.

Sa ulat na nakarating kay Pasay City police chief S/Supt. Noel Flores, naganap ang pagpapa­tiwakal ng dayuhan sa gilid ng FB Harrison Extension, Bgy. 76, Zone 10 sa nasabing lungsod, dakong 3:00 ng hapon.

Bago umano ang insi­dente, huling nakita si Chieh na tila balisa at problemado habang naka­upo sa gutter ng kalsada.

Sinabing may naka­punang naglabas ng baril ang dayuhan mula sa kanyang bag na ipinutok sa kanyang sentido na agad niyang ikinamatay.

Sa kabila nito, patu­loy ang isina­sagawang imbestigasyon ng awto­ridad sa nasabing insidente. (Ulat nina BRIAN BILASANO at JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …