Thursday , May 15 2025

Ambush sa politiko ugat ng pagsibak sa Bacolod PNP officials

IT’S a strange behavior.

Ito ang obserbasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdadala sa ospital ng hepe ng Bacolod City Police na si S/Supt. Francis Ebreo sa isang local politician at kan­yang misis na tinamba­ngan sa siyudad noong nakaraang buwan.

Sa ambush interview kahapon, iginiit ng Pa­ngu­lo na isang dekada na ang nakalilipas ay nasa listahan na umano ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) si Bacolod City Councilor Ricardo “Cano” Tan dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

Si Cano at misis niyang si Nita ay naka­ligtas sa ambush noong nakalipas na buwan nang agad na magtungo sa pinakamalapit na police station sa Bacolod City at dinala sila sa pagamutan ni Ebreo.

“And you know there was this si Cano, a councilor has been tagged by the PDEA almost a decade ago to be engaged in trafficking, na ambush. There were about 3 ambushes before that incident na pumunta sila sa hospital, silang dalawa ng deputy niya. What’s (their?) fucking business going to the hospital of (an ambushed drug lord?) tapos nag-iwan pa sila ng dalawang security,” ani Duterte.

Para sa Pangulo, labis na nakapagtataka ang ginawa ni Ebreo.

“I could understand if you would send a top­notch investigator of the police, I would under­stand that, pero kung sila dalawa mismo the first and the second highest of police officials. Nagtataka ako kung bakit ganon,” sabi ni Duterte.

Bahagi ng sinum­pa­ang tungkulin ng isang pu­lis ang sumaklolo sa bik­tima ng krimen at tiyakin ang kaligtasan niya.

Giit ng Pangulo, hindi pinag-aralan ni Ebreo ang record ng pu­lisya sa cri­minality at drug traf­ficking sa lung­sod.

“At the very least, he’s a protector. He might not be in the trafficking busi­ness but he was really a protector. I cannot believe that with all the infor­mation available to every chief of police or city police director for that matter assigned in the province, that you would not review the record of the province in terms of criminality and drug trafficking. Hindi pinag-aralan,” aniya.

Hinarap kamakalawa ni Pangulong Duterte sina Ebreo, Supt. Richie Yatar, Supt. Nasruddin Tayuan, Sr/Insp. Victor Paulino at Supt. Allan Macapagal sa Malacañang matapos niyang sibakin sa puwesto noong Sabado.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *