Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Walang palakasan kay Digong

Nobody trusts anyone in authority today. It is one of the main features of our age. Wherever you look, there are lying politicians, crooked bankers, corrupt police officers, cheating journalists and double-dealing media barons, sinister children’s entertainers, rotten and greedy energy companies, and out-of-control security services.

 — British documentary film-maker Adam Curtis

PASAKALYE:

Nabubuwisit si Senadora Grace Poe sa nakalulungkot na kalagayan ng MRT — vis-a-vis yaong 48 Dalian coach, na binili sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino sa nakalululang P3.8 bilyon.

Ang pagkabuwisit ng butihing senadora ay nang malamang iisa lang sa 16 train set na ating binili mula sa CRRC Dalian Co. sa China, may apat na taon na ang nakalipas ang functional  kaya nakatiwangwang ang 15 pa sanhi ng sinasabing ‘compatibility issues’ sa existing MRT-3 system.

Nagngangalit ang anak ng yumaong action king na si FPJ dahil bakit daw hindi tiniyak ng mga nanunungkulan noong opisyal ng Department of Transportation and Communications (DoTC) na ang bibilhing mga Dalian train ay magagamit agad pagdating sa South Harbor.

Nagresulta ito sa pagkakaimbak ng nasabing mga train sa storage sa MRT-3 depot, at hindi na kailangan pang sabihin na malaki ang nalugi sa ating pamahalaan.

Sa ganitong uri ng kaganapan, hindi maiwa­sang isipin na trinato tayo na para bang mga guinea pig. At bilang postscript nito, maitata­nong, sino ang kumita?

***

DALAWANG miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iniimbestigahan ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), at ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna, matagal ng sinisiyasat sina Labor Secretary Silvestre Bello III at director general Isidro Lapeña ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) simula pa noong nakaraang taon.

Ang sabi nga’y “nagkaroon na ng fact-finding sa DoLE tapos sa magnetic lifters habang si Lapeña, nama’y inabsuwelto ng Senado, pero hindi pa ready ang PACC para kompirmahin ito dahil hindi pa nga tapos ang imbestigasyon.

Tinukoy si Lapeña sa bilyon-pisong shabu shipment na itinago sa loob ng magnetic lifter. Sa kabilang dako, binato naman ng kritisismo si Bello sanhi ng sinasabing pagtanggap ng suhol mula sa isang recruitment agency at isa ring negosyanteng babae.

Sa gitna nito, tinitiyak ng Palasyo na aaksiyon ang Pangulo sa sandaling maglabas ng resulta ng kanilang pagsisiyasat ang PACC ukol sa pinaghihinalaang katiwalian ng dalawang opisyal.

Wika nga ni presidential spokesperson Atty. SALVADOR PANELO, “there is no ‘palakasan’ or ‘padrino’ system in the Duterte administration.

“You must remember that the President’s policy ever since there are no sacred cows in this administration, you violate the law regardless of your status whether you’re a friend or ally or political adversary, or a relative, a friend or a fraternity brother. wala lahat ‘yun. You violate the law, you are accountable,” pagdidiin ni Panelo.

REAKSYON:

Bilang tugon dito, let me quote from popular American fiction writer RAMEZ NAAM: We’ve seen over time that countries that have the best economic growth are those that have good governance, and good governance comes from freedom of communication. It comes from ending corruption. It comes from a populace that can go online and say, ‘This politician is corrupt, this administrator, or this public official is corrupt.’

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *