NANGAKO si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na maipapasa ng Kamara ang panukalang pambansang budget sa lalong madaling panahon sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw.
Ayon kay Arroyo nakikipagkonsulta ang liderato ng Kamara sa Senado at maghihintay na lamang sila sa pagpasa ng 2019 P3.757-trilyones na budget.
“We do (talk with senators), but we just let them do their own timetable. We cannot nag them. We cannot nag them on
[passing]any of our measures,” ani Arroyo.
Ang kontrobersiyal na budget para sa 2019 naantala matapos matuklasan ang umano’y P75-bilyones na “insertions” na hinihinalang isiningit ni Budget Secretary Benjamin Diokno.
Ayon kay Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu nakatuon si Mrs. Arroyo sa pagpasa ng pambansang budget.
“The house leadership is very keen on passing the 2019 annual budget when Congress resumes its session on Monday as there are lots of government programs and projects that are being tied or delayed due to the non-approval of the new budget,” ani Abu.
ni Gerry Baldo