Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, ‘di lucky kay Luis

PANAHON na naman ng mga manghuhula kaya hindi namin napigilang ‘di tawagan si Madam Suzette Arandela at itanong ang ukol sa relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Kung tutuusin, taon-taon namin hinihingan ng hula si Madam Suzette at pangatlong taon na namin tinatanong ang kapalaran ng dalawa. Base sa kanyang tarot cards, nasabi na nito noon na hindi hahantong sa altar ang dalawa at ito pa rin ang hula nito sa dalawa.

Sa takbo ng pang­yayari, parang hindi nga­mauuwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa dahil open ang aktres sa pagsa­sabing mula nang naging BF ang TV host/actor, nanamlay ang kanyang career. As in, hindi siya lucky sa piling ni Luis.

Pero inamin nitong wala siyang pinagsisisihan sa dalawang taong nawalan siya ng magagandang proyekto dahil sa pagpili niya kay Luis. 

Aniya, “nalungkot ako. And kahit si Luis sinisi niya ang sarili niya kung ano ‘yung nangyari sa akin.”

Well, hula lang naman ito, puwedeng magkatotoo at puwedeng hindi. Malay natin, sa susunod na taong baka luck will be on their side na.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …