SA VALENZUEA, patay ang 53-anyos negosyante matapos atakehin ng sakit sa puso nang tupukin ng apoy ang kanyang tindahan sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital (VGH) ang biktimang kinilalang si Lorenzo Primavera, residente sa Virginio St., Coloong II dahil sa cardiac arrest.
Ayon kay Valenzuela police chief S/Supt. David Nicolas Poklay, dakong 3:38 am, nang sumiklab ang sunog sa loob ng Polo Public Market sa likod ng 3S Center Building sa Sebastian St., Brgy. Polo sa nasabing lungsod.
Nasa 20 fire trucks ng Valenzuela Bureau of Fire Protection (BFP) ang nagresponde sa naturang lugar para pinagtulungang apulahin ang sunog na umabot sa unang alarma.
Inaalam ng fire investigators kung ano ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa apat na tindahan kabilang ang puwesto ng biktima.
Idineklarang fire out ang sunog dakong 4:18 ng madaling araw.
(ROMMEL SALES)