NAUNA rito inilinawng Palasyo na ‘biro’ lang ang tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaki-kidnap niya at ipato-torture ang mga taga-Commission on Audit (COA).
Binanggit ito ng Pangulo sa harap ng libo-libong punong barangays, kagawad, mga alkalde at iba pang bisita sa ginawang Barangay Summit for Peace and Order sa Pasay city, na sinundan ng malakas na tawanan ng audience.
Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, sadyang sutil lamang si Pangulong Duterte.
Kapag kinontra aniya ang ginagawa ng pangulo, lalo lamang siyang nanunutil o mang-aasar sa kaniyang mga kritiko.
Sa nasabing talumpati ay nanawagan ang pangulo sa COA na huwag na huwag pigilan o hadlangan ang mga proyekto ng gobyerno dahil lamang sa pagsunod sa tinatawag na protocols.
(ROSE NOVENARIO)