ANG mga biro ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Commission on Audit (COA) ay senyales ng kanyang pang-aaba sa pananagutan gayondin sa checks and balances.
Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin mistulang ibinasura ng pangulo ang kanyang kampanya laban sa korupsiyon dahil sa mga kagayang patutsada.
“The joke will be on all of us Filipinos if we don’t call him out on this as well as his misogyny and attacks against democratic institutions,” ani Villarin.
Ayon kay Villarin, hindi dapat nagbibiro ang pangulo tungkol sa ‘kidnap at torture’ sa mga tauhan ng COA dahil ito’y mag bibigay ng takot sa mga lingkod-bayan na gawin ang kanilang trabaho.
Pinaalalahanan ni Villarin si Duterte na siya ay isang lingkod-bayan na nanumpang magsilbi sa bayan.
Paliwanag ni Villarin, ipinawalang bisa ni Duterte ang umano’y laban niya sa katiwalian bunsod ng mga ‘joke’ kagaya ng kayang binanggit.
Ang COA ay naging instrumento sa pagbubunyag ng katiwalian sa Department of Tourism, PhilHealth, PCOO, at iba pang sangay ng gobyerno.
Ito rin ang humarang sa paglustay ng kaban ng bayan sa Davao City sa halagang P570 milyon na walang kaukulang dokumento noong 2017.
ni Gerry Baldo