MAY dapat ikatakot ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) dahil kilala ang organisasyon bilang kaalyado ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na isang terrorist group, ayon sa Palasyo.
“On their part. Because if you are doing certain illegal acts or you are identified with the left which is now considered, I mean, the organization – the CPP-NPA – as a terrorist group, then there is something to fear if you are identified with that group,” ayon kay Panelo nang usisain ng media kung may katuwiran ang paniniktik ng pulisya sa mga kasapi ng ACT.
“You know, you must remember that ACT is identified as a leftist organization. Maybe most of the members are not, but the leaders are,” dagdag niya.
Sinabi ni Panelo na trabaho ng pulisya ang mag-monitor sa mga makakaliwang grupo bagama’t itinanggi na aniya ng Philippine National Police (PNP) ang ulat ng red-baiting sa mga guro.
Sa kabila nito’y, tiniyak ni Panelo na hindi patakaran ng administrasyong Duterte ang paniniktik sa mga guro.
“Basta definitely iyong policy is not to surveil teachers,” sabi ni Panelo.
Kahapon ay sinibak ni PNP chief ang mga hepe ng intelligence division ng Station 3 ng Manila Police District (MPD), Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) at Zambales province dahil sa umano’y “leaked information.”
“As far as I’m concerned, wala akong pinirmahang ganyan,” he said. “I will look into this, but as far as I’m concerned wala akong pinirmahang ganyan,” ani Albayalde.
Ngunit inilinaw rin niya na ang “profiling” ay bahagi ng intelligence monitoring system ng pulisya.
“This is part of our intelligence monitoring lamang ito. Hindi naman ibig sabihin na kapag ini-profile ka… remember if you are part of… kung talagang sila ay proud na member ng ACT… ang tanong diyan, bakit ka takot kung wala ka naman ginagawang masama,” dagdag niya.
Matatandaan isiniwalat ng ACT ang memorandum ng MPD sa DepEd Manila na nanghingi ng inventory ng kasapian ng kanilang organisasyon.
ni ROSE NOVENARIO