VIGAN CITY – Pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga politikong mananamantala sa isasagawang Traslacion 2019 sa bukas, 9 Enero.
Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, inamin niya na mayroong problema ang poll body sa premature campaigning dahil walang parusang maaaring ipataw sa mga mapapatunayang maagang nangangampanya.
Ngunit, nakasaad sa batas na ipinagbabawal ang pangangampanya tuwing Huwebes at Biyernes Santo na gaya sa Traslacion ay isang relihiyosong aktibidad ng mga Katoliko.
Kung kaya’t binalaan ni Jimenez na mapaparusahan ang mga politikong mananamantala sa Traslacion sa darating na Miyerkoles.
Halimbawa rito ang simpleng pamimigay ng libreng tubig na may pangalan ng politiko sa bote, o mga libreng panyo na may nakaimprentang mukha at pangalan ng politiko.
Ayon pa sa tagapagsalita ng COMELEC, nais nilang mapanatili ang kataimtiman ng Traslacion dahil bukod sa isang relihiyosong aktibidad bahagi ito ng kultura ng maraming Filipino.
Katunayan ang ilan ay nagbubuwis ng kanilang buhay dahil sa kanilang pananampalataya sa Itim na Nazareno.