NASAKOTE ang mag-asawa at isang menor de- edad, habang apat pa ang nasakote dahil sa pinaigting na anti-drug operations ng mga awtoridad sa Malabon at Caloocan Cities.
Dakong 3:30 ng madaling araw sa Malabon City, masakote ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni Insp. Rolando Domingo ang mag-asawang suspek na si Randy Ordejon, 48, at si Marivic, 34, kapwa residente sa Gumamela Ext., Gen. T. De Leon, Valenzuela City sa buy bust operation sa kanto ng MacArthur Highway at University Avenue, Brgy. Potrero, Malabon city.
Ani Malabon police chief S/Supt. Jessie Tamayo, narekober sa mag-asawa ang 11 heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu at buy-bust money.
Alas-kuwatro ng madaling araw sa Caloocan City huli sina Roselyn Osorio, 18, alyas Amat, at ang kanyang kasamang 15-anyos na si alyas Totoy, kapwa residente sa BMBA Compound, 3rd Avenue, 2nd St., Brgy. 118, matapos magbenta ng shabu na nagkakahalaga sa P200 sa isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer.
Narekober sa mga suspek ang buy-bust money at tatlo pang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head C/Insp. Rengie Deimos, habang isinasagawa ang operasyon ay nadakip din ng mga operatiba si Niño Visco, 21, taga-Louis Asistio St., Brgy. 3, Sangandaan; at Crisanto Caguitla, 43-anyos, residente sa Gen. San Miguel St., matapos makuhaan ng plastic sachet na may laman na hinihinalang shabu.
Nauna rito, dakong 1:40 ng madaling araw nang madakip ng nagpapatrolyang mga tauhan ng PCP-8 si Frederick Camaya, 43, residente sa Brgy. Longos sa Kadima along P. Aquino Avenue, Brgy. Tonsuya habang abala sa pagbusisi sa hawak na isang plastic sachet ng shabu.
(ROMMEL SALES)