Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga artista sa isang pelikulang kalahok sa MMFF, mahirap i-schedule para sa promo

MAY kaunting iritang nagkuwento sa amin ang taga-production ng isang peliku­lang kasama sa 2018 Metro Manila Film Festival dahil hirap na hirap silang i-schedule ang mga artistang kasama para sa promo at mall shows.

Sinabi namin na abala rin kasi ang lahat ng mga artista ngayong may pelikula sa MMFF dahil ‘yung iba ay may mga teleserye, may prior commitment sa out of town at iba pa.

“Ano ba ‘yun, alam naman nila na kapag MMFF, tadtad sa promo, ano ‘yun ayaw nila mag-promote? Sure ba silang kikita ang pelikula nila? Masyado silang kampante,” ito ang hinaing sa amin ng kausap naming taga-produksiyon.

Dagdag pa, “may kanya-kanya silang drama, kesyo puyat hindi makabangon kasi nagtaping ng almost two days, kesyo may sakit, at kung ano-ano pa. ‘Yung isa naman busy siya.”

Sobrang pinupuri naman ng production team ang aktor na kasama sa pelikula dahil super sipag mag-promote as in kahit saan papuntahin ay okay lang sa kanya.

Hirit namin, “eh, kasi hindi naman siya busy unlike sa mga kasama niya, kaliwa’t kanan ang shows.”

Napaisip kami, ay oo nga wala nga pala siyang existing shows kaya excited mag-promote at siyempre, siya ang magbe-benefit.

Anyway, base sa trailer, mukhang kikita naman ang pelikula at sana lahat ng kasama ngayong 2018 MMFF ay kumita.

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …