MAHILIG mag-ilusyon si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison gaya ni Sen. Antonio Trillanes IV.
“E… just like the rebel senator, he is an illusionist; a visionary that has become illusory. Palagay ko panahon na magkaroon siya ng enlightenment,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa pahayag ni Sison na prayoridad ng CPP-NPA na patalsikin si Duterte ngayong 2019.
Ayon kay Panelo, wala na sa realidad si Sison at hindi itinuturing ng administrasyong Duterte na maselan ang banta niya.
Tiniyak ni Panelo na nakahanda ang militar sa mga pag-atake ng NPA sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Wala naman talagang maselan na threat iyong… kay Sison mismo. Pero iyong nasa ground na sila ang gumagawa ng mga pagsalakay, iyon ang mga banta – but ready naman ang ating Armed Forces diyan,” dagdag ni Panelo.
(ROSE NOVENARIO)