IMBES masaktan, dapat tingnan ng Simbahang Katolika ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang oportunidad para mapatibay ang pananampalataya o bigyang linaw ang mga taong naghahanap ng katotohanan.
Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bilang pagtatanggol sa pagtawag na kalokohan ni Pangulong Duterte sa Holy Trinity.
“In so doing, the President puts to a test the validity of the religious rituals bordering to fanaticism as against the practice of genuine spirituality as taught by the different personifications of one God,” ani Panelo.
Giit ni Panelo, balewala kay Duterte kung mabawasan ang mga tagasuporta sa paghahayag ng kanyang mga saloobin sa mga aral ng Simbahan.
Sa kanyang talumpati kamakailan sa Kidapawn City, Cotabato, iginiit ng Pangulo na isa lang ang Diyos, hindi maaaring hatiin sa tatlo.
“Isa lang ang Diyos. There’s only one God, period. You cannot divide God into three. That’s silly,” aniya.