Saturday , November 16 2024

Info drive sa bawal na importasyon ng nakalalasong kemikal binuhay

NILAGDAAN bilang batas noong 1990 ni Pangulong Corazon Aquino sa ilalim ng Republic Act 6969 ang pagbabawal ng pag-aangkat ng mga nakalalasong kemikal.

Isinusulong ng pribadong grupong BABALA (Bayan Bago Ang Lahat) na magpalaganap ng impormasyon sa publiko tungkol sa RA 6969 o “An Act to Control Toxic Substances and Hazardous Wastes.”

Ayon kay Gerry Constantino ng BABALA, hindi naman napahihinto ng batas ang patuloy na pag-angkat ng mga nakalalasong kemikal. Isang epekto nito ang pagkabansot ng mga pananim bilang epekto ng mga artipisyal na pataba na napatunayang ‘acidic’ at nakasasama sa mga halaman.

Dagdag niyang tanong, “Bakit natin kailangang mag-angkat ng mga nakalalasong pataba kung mayroon naman tayong mga epektibong vermicast organic fertilizer na napantunayang ligtas sa mga tao, mga pananim at sa kapaligaran?”

Binawasan sa Japan ang paggamit ng mga kemikal na pataba nang napabalitang naospital ang ilang magsasaka at namatay ang tatlo sa kanila dahil sa paggamit ng mga patabang may taglay na nakalalasong kemikal.

Hinihikayat din ni Constantino ang mga magsasaka na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapaunlad ng industriyang agrikultura sa bansa.

Sinabi niya na mayaman ang Filipinas at kung mapapangalagaan ang kapaligiran at ang agrikultura, darating ang panahon na hindi na tayo mamomroblema sa suplay ng pagkain at maaari na tayong tumigil sa pag-angkat ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas.

Sa isang ulat sa Greenpeace na isinulat ni Professor Pete Smith ng Aberdeen University sa Australia na pinamagatang “Cool Farming: Climate Impact of Agriculture and Mitigating Potentials,” pinag-aralan niya ang mga direkta at ‘didirektang epekto ng agrikultura sa ekonomiya.

Idinetalye rin ng ulat ang iba’t ibang paraan ng pagtatanim na madaling isakatuparan gaya nang mas maayos na pangangasiwa ng lupang taniman; pag-iwas sa lupang hindi natatamnan; paggamit nang mas angkop na pataba; at muling paglilinang ng organikong lupa.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *