Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amang natutulog tinodas sa bakal ng 27-anyos anak (Sa unang araw ng 2019)

“PUT…INA MO… dapat kahapon pa kita papatayin!”

Ito umano ang paulit-ulit na isinisigaw ng isang 27- anyos na anak habang pinagpapalo ng bakal ang ulo ng kanyang natutulog na ama sa Caloocan City kamakalawa ng gabi, sa unang araw ng taon.

Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktima na kinilalang si Lito Magbanua, 54-anyos, biyudo, residente sa Sitio2 San Vicente, Brgy. 178 Camarin, sa dami ng tama sa ulo at mukha mula sa bakal na ipinamalo ng panganay na anak.

Ayon kay Caloocan police deputy chief for administration, Supt. Ferdinand Del Rosario, kasong parricide ang kinakaharap ng suspek na kinilalang si Rhenzie Magbanua.

Sa pinagsamang ulat nina SPO1 Junedy Narsica at PO3 Jenny Ryan Rodriguez, dakong 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Natutulog umano ang biktima sa itaas ng kanilang bahay nang dumating ang umano’y lasing na suspek at hinanap ang kanyang ama.

Ayon sa nakababatang anak ng napaslang, na si Rhona Mae, lasing na lasing umano ang kanyang kapatid nang umakyat sa itaas ng kanilang bahay na kinaroroonan ng natutulog na ama.

Agad sinundan ng saksi ang kanyang kapatid at doon ay nakita niya ang paulit-ulit na pagpalo ng suspek sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ng sariling ama habang paulit-ulit na isinisigaw ang matinding galit.

Agad na humingi ng tulong sa mga tanod sa kanilang lugar si Rhona Mae, na tumawag sa mga awtoridad dahilan para agad maaresto ang suspek.

Hindi pa malinaw ang motibo dahilan ng pagpatay ng suspek sa kanyang sariling ama na patuloy na iniimbestigahan ng pulisya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …