ANONG big deal kung ang isang artista ay mali-mali sa paggamit ng wikang English eh, hindi naman tayo taal na Amerikano?
Sa ating mga artista, sina Diether Ocampo, Marvin Agustin, at Jericho Rosales ang nababalitang malakas ang loob na magsalita ng English. Hindi naman ito nakaapekto sa kanilang propesyon na pinili dahil sa parte ni Marvin, matagumpay ang kanyang resto business at si Jericho naman ay in-demand sa kanyang pagiging aktor. Si Diether naman ay balitang mayaman na kaya hindi nito kailangang mag-artista.
Ngayon ay si Alden Richards naman ang pinagti-tripan ng mga basher dahil mahilig daw itong sumagot gamit ang salitang English. Eh, natural lang naman dahil kinakausap siya sa nasabing wika. Kaya kung magkakamali ito, inaasahan nang dahil hindi naman ito ang ating kinagisnang wika.