CEBU CITY – Mahigit P40 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakompiska sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod na ito, noong Martes.
Isang alyas Jr. ang nahuli at nakompiskahan ng 6.8 kilo ng ilegal na droga.
Sinabi ni Police Regional Office chief, Director Debold Sinas, isang sindikato ang nag-o-operate sa Cebu at ang droga ay mula sa Metro Manila.
Aniya, ang droga ay ibinibiyahe sa isang sasakyan sa Roll-on/Roll-off vessel at pipik-apin ng indibiduwal. Inihahanda na ang serye ng follow-up operations upang mahuli ang supplier at mastermind ng ilegal na droga sa lungsod.