Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maligayang Merry Christmas at manigong Happy New Year

MALIGAYANG Merry Christmas po at manigong bagong taon sa ating lahat…

Labing-dalawang buwan o 365 araw ang muling magtatapos na parang kailan lang ay hindi natin halos mapansin at mamalayan.

Sa mga panahong nakalipas ay maaari tayong nalibang o nahibang, natakot o natuwa, nagduda nguni’t nagtiwala pero kahit ano pa man ang naging pangyayari ay natapos at naharap natin nang buong tapang ang lahat.

May napuri at may nasita, may binati at may binanggit, may nabigyan ng pagpupugay at mayroon din trinatong walang kabuhay-buhay nguni’t maging sinoman tayo’y iisa pa rin at nananatiling magka-kaibigan.

Marami sa atin ang nawala ngunit mayroon rin namang pumalit, marami rin sumikat pero siguradong marami rin ang lumubog, mayron din nagpursigi at nagsumikap ngunit ano pa man ang kahihinatnan ay hindi natin alam kung bigo o tagumpay.

Laban at bangon lang tayo mga katoto kahit ano pa man ang dumating sa ating buhay at kapalaran. Ang mahalaga ay nakatayo pa rin tayo sa ating dalawang paa na minsan ay naglalakad at kung minsan naman ay tumatakbo.

Maaaring matulin puwede rin mabagal ngunit siguradong may mararating at may hahantungan mabuti man o masama, matamis man o mapait ang maging resulta. Maging ano pa man, ang mahalaga tayo’y pumusta, sumubok at nakipagsapalaran kahit ano ang kahihinatnan.

Panibagong taon na naman ang ating sisimulan at haharapin. Sana’y buong tapang nating ipagpatuloy ang sinimulan at nawa’y muli nating tapusin ng maluwalhati ano man ang sapitin at ano man ang maging tadhana.

Muli tayong magpasalamat sa Poong Maykapal na siyang nagkaloob nang lahat-lahat. Patuloy tayong humingi ng patnubay at gabay sa lahat ng ating tatahaking problema at kaligayahan sa panibagong taon at yugto ng ating buhay.

Maraming salamat rin sa aking pamilya sa walang sawang suporta, sa aking publisher editor-in-chief Boss Jerry Yap na tinaguriang provider of the common people in all walks of life, managing editor Gloria Galuno at gayondin kay publisher editor-in-chief Boss Mayor Joey Venancio.

Salamat din to all my brothers and sisters for life, Dare Friends of the 70s for the cherish, warmth, love and all the sophisticated experience we had undergone.

A million thanks to all my colleagues, kabaro at mga kapatid sa hanapbuhay who had all done their part in all aspects.

Thanks also to our special friend none other than Manila Police District (MPD) District Director S/Supt. and soon-to-be chief superintendent Vic Danao Jr., who had been understanding and generous to all just the same to Northern Police District (NPD) District Director ang matipunong mandirigma ng Marawi City Chief Superintendent Rolando Anduyan.

Isang maligayang Merry Christmas at manigong bagong taon sa ating lahat. Nawa’y pagpalain muli tayo ng Poong Maykapal sa darating pang kabanata ng ating buhay.

Kudos at mabuhay tayong lahat!

YANIG
ni Bong Ramos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …