Friday , July 25 2025

Magic on Ice sa Smart Araneta Coliseum, in-extend

HANGGANG January 2 pa mapapanood ang one of a kind Christmas show spills, ang Magic On Ice sa Smart Araneta Coliseum.

Dapat sana’y hanggang Enero 1 lamang ang spectacular show na nagpapakita ng iba’t ibang klase ng magic at acrobatic tricks kasama pa ang flair o ice skating. Pero dahil nais ng pamunuan ng mas marami ang makapanood kaya dinagdagahan nila ng isang araw ang show.

Matutunghayan pa rin ang Magic On Ice ngayong December 27, 28, 29, Jan. 1 at 2 (2:00-6:00 p.m.). Kaya mas marami pang pagkakataong mapanood ito kaya ano pa ang hinihintay ninyo, kumuha na ng tiket dahil matutunghayan ang malaking pagbabago ng Big Dome, na ikinokonsiderang Philippines’ mecca of sports and entertainment. Ginawang isang napakalaking skating rink ang dome na mayroong mga ilaw at effects na ang gumawa ay siya ring gumawa sa concert ng ilang international superstar tulad nina Madonna, Sting, at Prince.

Ang ticket ng Magic On Ice ay mabibili sa Ticketnet outlets nationwide. Gayundin sa www.ticketnet.com.ph o tumawag sa 911-5555.

Ayon sa gumawa ng show na ito at main protagonist na si Steve Wheeler, ang Magic On Ice ay, “a unique combination of ice skating and magic. It combines the speed and the elegance, the power and beauty of ice skating with big, theatrical magic illusions.”

Aniya pa, “The audience will see lightning fast appearances, vanishes and transformations, beautiful levitations, death-defying escapes, and some real fun, interactive comedy numbers that involve members of the audience.”

At kung gusto naman ninyong hindi na ma-hassle sa trapik, puwede kayong mag-stay sa Novotel Manila Araneta Center, na katabi lamang ng Big Dome. Mayroon silang ultra convenient Stay N Delight in Christmas Magic promo bundle, na ang offer ay isang magandang discount deal—Overnight stay for two with Buffet Breakfast plus two (2) Lower Box tickets sa Magic On Ice sa halagang P8,000 nett. Ang promo na ito ay hanggang Jan. 1, 2019.

Para sa ibang updates, bisitahin ang www.smartaranetacoliseum.com at i-follow ang kanilang social media pages: @TheAranetaColiseum on Facebook and Instagram and @TheBigDome on Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

THE Department of Science and Technology (DOST) Region I proudly took part in the Negosyo …

Promoting Local Livelihoods in Sagay, Camiguin through PORTASOL

Promoting Local Livelihoods in Sagay, Camiguin through PORTASOL

The Department of Science and Technology (DOST) Camiguin, led by Provincial Science and Technology Director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *