TAHIMIK lang si Ramon Christopher sa balitang nagpakasal na ang dating asawang si Lotlot de Leon sa kanyang Lebanese boyfriend ng ilang taon na rin. Matagal na rin namang hiwalay sina Lotlot at Monching dahil sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan. Ang mga anak nila ay nanatili kay Lotlot, pero suportado naman sila ni Monching at ang maganda nga nanatili naman silang magkaibigan ni Lolot.
Pero ang ginawang pagpapakasal ni Lotlot ay napakalaking bagay din para kay Monching. Ibig sabihin, malayang-malaya na rin naman siyang humanap ng makakasama sa buhay at mag-asawa na ring muli. Legal naman ang annulment ng kanilang kasal.
Madalian kasi ang kasal nila noon. Ang totoo underage si Lolot to contract marriage, kaya nga sila tinanggihan ng simbahan sa Mt.Carmel. Itinuloy nila ang kasalan sa Club Filipino. Naging sibil iyon. Iyan ay makakapagmulat din ng mata ng mga kabataan na hindi maganda iyong biglaang kasal.
HATAWAN!
ni Ed de Leon