HINDI exception si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa panlalait ng kanyang mga basher dahil noong kabataan niya ay isa rin siya sa nakatangap ng sandamukal na panlalait mula sa mga tagahanga ng ibang artista.
Inamin ng aktor na tao lang siya at nasasaktan kaya pumapatol din siya sa mga nanlalait. At kahit hanggang ngayon na may katungkulan na siya bilang mayor, sinasagot niya ang maraming naninira sa kanya.
Dumating na siya sa puntong nanghahamon ng suntukan pero takot namang magpakita sa kanya. Malakas lang ang loob ng mga basher dahil hindi sila nakikita.
Aniya, to hit his bashers back, kailangan nitong makipag-murahan kung kinakailangan. As in, he has to speak their language. Kung anong mga masasakit na salita ang ibinabato sa kanya, ganoon din kasakit ang ibabalik niya sa mga kaaway.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu