PABOR si Dennis Trillo na gawing legal sa ating bansa ang paggamit ng marijuana bilang gamot. Katunayan, legal na itong nagagamit sa ibang estado ng USA.
Ayon sa Kapuso actor, napakalawak na ang impormasyon ukol sa marijuana bilang gamot dahil maraming research ukol dito na mababasa sa internet.
Aniya, ”Buksan ninyo ang isipan ninyo. I-research lang ninyo sa internet. I-type niyo lang sa Google, makikita niyo ang mga research, hindi magsisinungaling ‘yun. Gamot siya sa maraming bagay. Katunayan, noong 1930s pa ito talagang ginagamit bilang gamot,” pahayag nito sa isang panayam.
Ang ipinagtataka niya ngayon ay kung bakit ipinagbabawal ang paggamit nito. Sa pinakahuling balita, ikinatuwa nito na bumabalik na ‘yung katotohanan na gamot talaga ito. Gayunman, pakiwari ng actor, isang mahabang balitaktakan pa ang pagdaraanan ng isyu kaugnay sa medicinal marijuana. Ang tanging pakonsuwelo nito ay hindi naman minamadali o sobrang kinakailangan ang pag-legalize nito.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu