NAGSIMULA ang lahat sa balitang nagdasal si Kim Chui sa Penafrancia church sa Bicol para kumita ang kanyang pelikulang One Great Love, isa sa walong pelikulang kasali sa 2018 Metro Manila Film Festival. Kasama niya rito sina Dennis Trillo at JC de Vera, handog ng Regal Films.
Sa pelikulang ito ay pumayag magpaka-daring ni Kim dahil tamang panahon ito na iwan ang pagpapa-tweetums at mag-mature sa kanyang mga papel na gagampanan.
Bilang pagpapatunay, pumayag siyang magkaroon ng bathtub scene.
At dahil Chinese ang kanyang producer, ipina-feng shui nito ang presscon na itinaon sa Lunes dahil iyon ang pinaka-best na araw.
May balitang mataimtim na ipinagdasal ng aktres na manalong best actress sa festival.
Base rin sa obserbasyon ni Direk Eric Quizon, malaki ang iginaling ni Kim sa pag-arte dahil sa pag-mature nito.
Kung sabagay, sa dasal maraming nagkakatotoo. ‘Ika nga walang imposible.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu