DALAWANG mambabatas ang humihirit na gawing legal ang operas-yon ng “Angkas” matapos maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order sa operasyon nito.
Ayon kay Rep. Winston Castelo, ang chairman ng Congressional Committee on Metro Manila Development, sana’y mapagtanto ng Korte Suprema ang kahalagahan ng “Angkas” sa milyones na commuters na tumatangkilik dito.
“We hope that the Supreme Court will realize that the issuance of the TRO that effectively prevents Angkas to operate will greatly affect the Filipino commuters, especially considering that thousands of commuters direly need the service during the holiday season,” ani Castelo.
Ani Castelo, ang Angkas ay nagbigay ng alternatibong transportasyon sa mga Filipino na nahaharap sa araw-araw na matinding trafik lalo sa Metro Manila.
“Angkas provided an alternative to commuters, addressing a gap by the public transportation system. It has proven to be an affordable, reliable, and safe mode of transportation,” giit ni Castelo.
Binatikos ni Castelo ang LTFRB at ang DOTr sa pagbalewala sa utos ng komite niya na isama ang motorcycle taxis sa kanilang department order para makapag-operate.
Ayon kay Rep. Cristal Bagatsing ng Maynila, binawian ng disenteng trabaho ng TRO ang 25,000 motorcycle riders sabay ang pagkawala ng masasakyan ng libo-libong mananakay sa aniya’y “fastest and most convenient mode of transportation available in the busy city streets.”
Ang isyu, ani Bagatsing, ang 54- taong batas na nagbabawal dito.
“Regulation, not prohibition, is the answer— as informal motorcycle colorums are already the main transportation choice of thousands of commuters, even before Angkas,” ayon kay Bagatsing.
Sa panig ni Rep. Rodel Batocabe ng Ako Bicol, sinabi niyang nawalan ng mura at mabilis na transportasyon ang mga ordinaryong commuter sa bansa.
“The SC TRO does not consider the marginalized sectors of society who not only rely on Angkas for an affordable yet efficient transport service but also rely on the platform for livelihood, which can be really inconvenient and painful especially this Christmas season,” ani Batocabe.
ni Gerry Baldo