SI Sunshine Cruz iyong nasanay kasi at lumaki sa kanilang pamilya na tahimik, walang mga gulo, walang eskandalong kinasangkutan at walang masamang record. Kaya nga siguro naiilang siya kung natatanong tungkol sa mga issue na hindi maganda, lalo na kung wala naman siyang kinalaman talaga.
“Hindi kasi ako sanay talaga sa magulo. Ayoko nang ganoon eh, lalo na at hindi naman ako involved at hindi rin naman kasali sa usapan ang mga anak ko. Natutuhan ko na iyon na kung hindi ako involved personally, o hindi rin kasali sa usapan ang mga anak ko, ayoko na.
“Kasi kahit na ano ang sabihin mo, may masasabi pa sa iyo. Kaya ako ang sinasabi ko personal iyan eh, bahala sila sa buhay nila. Ayokong madamay,” ang natatawa pang sabi ni Sunshine.
HATAWAN!
ni Ed de Leon