MATAGAL nang gustong magkatrabaho sa pelikula ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga at ngayon lamang iyon naisakatuparan sa pamamagitan ng pelikulang mismong ang panganay ni Mommy Pinty ang nagbigay-idea, ang Mary, Marry, Me.
Ang Mary, Marry, Me ay may tatlong taon nang nai-pitch ni Toni. Aniya, ”I have so many concepts in mind and I think we waited for the right time na magkatrabaho kami. Lagi kasing dapat magkakatrabaho kami sa TV until finally, I think this is the right time for us to do a movie together kasi we’re both professionaks na to handle our relationship on the set.”
Lalo pang naging espesyal ang pelikulang handog ng Tincan at Ten17P dahil isa ang Mary, Marry, Me sa walong entries na kasali sa Metro Manila Film Festival 2018.
Ani Toni, ”I remember when we were kids we would always look forward sa MMFF and pipila kami sa isa sa movies na gusto naming mapanood. Then fast forward to 20 years later, kasama na kaming dalawa na isa sa papanoorin ngayong Pasko.”
Aminado ang magkapatid na mahirap na masarap ang magsama sa iisang proyekto.
“Masaya makatrabaho ang Ate ko kasi una sa lahat feeling mo safe ka, feeling mo at home ka at wala ka sa work kasi nandoon ang Ate mo. Yet at the same time mahirap din siya kasi masyadong perfectionist ang Ate ko at masyado rin niyang tsine-tsek at ino-observe lahat ng galaw ko. So, parang mayroon akong nanay sa set,” pagbabahagi ni Alex.
Pero pagbawi ni Alex, malaki ang parte ni Toni sa paglalabas ng kanyang emosyon. ”Kasi we’re never really sweet. We don’t really talk about our emotions for one another. So noong nandoon na sa part ng pelikula na kailangan ang dramahan o confrontation, parang mas mabilis akong nakakapit kasi nga Ate ko siya.
“Tapos minsan kapag hindi na kami makaiyak, iniiba namin ang mga line para ma-relate sa amin at maging true to life.”
Pambubuking naman ni Toni, si Alex ang pinakamaraming adlib sa pelikula. Mabuti na nga lamang at nakukuha iyon ng kanilang leading man na si Sam Milby.
“Working with Sam is like going back home also, back to where I started because my first full on rom-com was with Sam under Direk Cathy (Garcia-Molina). So, parang I feel more comfortable with hom now than our previous films because we’ve matured so much as individuals,”esplika ni Toni.
Bukod sa kanilang tatlo, kasama rin sa pelikula sina Bayani Agbayani, Moi Bien, at Melai Cantiveros.
Samantala, excited sina Toni at Alex na ibahagi ang kanilang family rom-com Mary, Marry, Me sa mga Kapamilya sa buong ‘Pinas.
“Gusto ko pagkatapos nilang panoorin ang film eh mas mamahalin nila ang mga kapatid nila. Or kung wala ka mang kapatid na mamahalin mo, ‘yung taong kasama mo mula pagkaba na hindi ka binitiwan o pinabayaan o hindi nawala sa piling mo. Na mahalaga ang mga taong minahal ko mula noon,” giit pa ni Toni.
Ang Mary, Marry, Me ay ipinrodyus ng Tincan mula sa Ten17P at idinirehe ni RC delos Reyes. Mapapandood na ito simula Disyembre 25.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio