PORMAL na inilunsad kamakailan sa Manila Conrad Hotel ang technology/social media platform na MIT MESSENGER na kahalintulad ng Facebook at Viber.
Naging matagumpay ang okasyon na dinaluhan ng mga kilalang personalidad katulad nina Sec. Silvestre “Bebot” Bello III ng Department of Labor, Deputy Governor Diwa Guinigundo ng Banko Sentral ng Pilipinas, Comm. Greco Belica ng Presidential Anti- Corruption Commission, Dr. Vicente B. Malano, PAG-ASA administrator, Freddie Aguilar, Mocha Uson at marami pang iba.
Hindi nakadalo si Senator Manny Pacquiao na una nang inanunsiyo na dadalo pero bago pa man ang event ay lumagda na ito ng kasunduan para suportahan ang MIT Messenger.
Nilagdaan na rin ang Memorandum of Understanding o MOU nina chairman KJ Kim ng MIT Messenger at Mblockchain.co Chairman Mikle Choi.
Inaasahang darami ang subscribers at gagamit ng Mit Messenger dahil kompara sa ibang social media platform, magagamit ito ng malinaw sa pantawag kahit mahina ang data o wifi.