Tuesday , December 24 2024

No-contact apprehension system through hi-definition camera dapat tularan ng LGUs (Sa Parañaque City)

SA radio, telebisyon at social media, wala tayong ibang nakikita, naririnig at nababasa kundi pawang reklamo dahil sa matinding traffic na kapag minamalas-malas ‘e halos isang oras na hindi uusad ang sasakyan.

E ‘di lalo na ngayong holiday rush na pasikip nang pasikip ang traffic sa kalsada. Habang papalapit ang Pasko ay talaga namang maituturing na ‘challenge’ ngayon ang magmaneho.

Hindi na talaga maresolba ang masikip na daloy ng mga sasakyan sa kalsada kahit saan dahil sa laki ng volume at dami rin ng pasaway na mga driver.

Sa totoo lang, ang unang hakbang para maresolba ang problema sa traffic ay pagkakaroon ng disiplina ng drivers at pasahero. Diyan magsisimula ang lahat.

Kaya nga dapat nating purihin ang ginagawa ng Parañaque City sa pamumuno ni Mayor Edwin Olivarez.

Nagpapatupad ang siyudad ng “no-contact traffic apprehension system” sa pamamagitan ng high-definition camera laban sa mga violator sa kalsada.

Kauna-unahan ang Parañaque City, sa local government units (LGU) na gumamit nang ganitong Sistema.

Automatic na nakukuha ng camera ang plaka ng lumabag sa batas at hindi makalulusot dahil naka-save ang video, kasunod ang pagpapadala ng violation ticket kung kanino nakarehistro ang sasak­yan.

Walang lusot ang barumbado sa kalsada. Wala na rin ang kotong dahil maiiwasan na ang ‘ayos system’ sa mga enforcer na dume­deli­hensya.

Hindi biro ang magpatupad nang ganitong mga panukala kaya naman dapat itong ipabatid sa publiko at sa iba pang LGUs.

Napakalaking kontribusyon din sa kabuuan kung ang bawat siyudad ay magiging seryoso at tunay na magiging responsable sa traffic management sa kanilang lugar. Hindi ‘yung masabi lang na may ginagawa.

Aba, isipin n’yo na lang kung lahat ng siyudad ay magpapatupad nang ganitong sistema, sigurado tayong kahit paano ay luluwag ang kalsada at aayos ang trapiko.

Kapag may camera kasi, matatakot lumabag o mag-violate sa batas ang mga motorista at pedestrians dahil alam nila na swak na swak ang ebidensiya.

Sa mga mapadadalhan ng violation ticket na hindi tutugon tiyak na mahihirapang mag-renew ng lisensiya.

Hindi ba’t ilang pag-aaral na ang nagsasabi na malaki ang pinsala ng traffic sa araw-araw nating pamumuhay at maging sa ekonomiya ng bansa sa kabuuan. Ang laki nang nawawala sa kita ng bawat mamamayan sa araw-araw dala ng inefficiency na nagresulta sa ‘carmaggedon na traffic.’

Ramdam ito, lalo ng commuters. ‘Yung mahabang oras na iginugugol sa biyahe dahil nga sa makupad o kung minsan ay hindi umuusad na traffic. ‘Yan din ‘yung mga oras na masasabi nating ninanakaw sa atin na sana’y nailalaan sa ating pamilya o sa trabaho.

Kaya imbes maging produktibo tayo, malaking oras ang nawawala at nailalaan lang sa pag-upo sa sasakyan.

Saludo tayo at magandang ehemplo ang pagkakaroon ng “no-contact apprehension system.”

Nadidisiplina at nagiging responsable ang mga driver dahil takot mahuli. Malaki ang naitutulong nito sa pangkalahatang kaayusan. Nakatutulong din sa pagmo-monitor ng krimen at iba pang kaga­napan. Nababawasan ang kotong.

Sana ay tularan ng ibang LGUs ang ginagawang ito ni Mayor Edwin Olivrez.

Go mayor, go!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Color Game sa AoR ng Cubao Station 7
Color Game sa AoR ng Cubao Station 7
Kolektong at sugal nagkalat sa area ng MPD PS-1
Kolektong at sugal nagkalat sa area ng MPD PS-1
Mahirap palang magsilbi kay Tito Sen?
Mahirap palang magsilbi kay Tito Sen?
May kumikita bang broker sa stocks ng SSS?
May kumikita bang broker sa stocks ng SSS?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *