GOOD pm po sa inyong tabloid na HATAW! Mr. Jerry Yap, iparating q lang po sa inyo ang kabuktotan ng mga operator ng mga ilegal na sugalan d2 sa aming brgy. Naipasara na po dati pero muling nakapag operate. Andaming pamilya na nman po ang masisira at magugutom dahil sa hayop na sugal d2 magpa-Pasko pa naman po.
Pakibulabog naman po ang Station 7 kay Major Mario Manipon at brgy kap. Jun lakay Buena Agua. Mga sir baka dumami po holdapan diyan sa area n’yo dahil buhay n naman ang color game.
Umaasa po ako sa tulong mo Ginoong Jerry Yap at sa buong puwersa ng inyong humahataw na walang kinakatakutang tabloid. Sana po bulabugin n’yo ang color game sa kanto ng West Point, Cubao, Aurora Blvd.
Ang inyo pong masugid na tagasubay2 ng Bulagugin ng HATAW! DABOY GA ng Brgy. E. Rod Cubao Q.C.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap