Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Anne Curtis Yam Laranas
Vice Ganda Anne Curtis Yam Laranas

Vice at Anne, nagbukingan; audience, nabaliw

SOBRANG magkaibigan talaga sina Vice Ganda at Anne Curtis Smith-Heussaff dahil sa nakaraang guesting ng bida ng pelikulang Aurora sa Gandang Gabi Vice ay no holds barred lahat ang tanong ni Vice tulad ng ‘honeymoon kayo araw-araw? Mukhang tiba-tiba tayo, ah? Mukhang kotang-kota!’ 

Puro tawa lang ang sagot ni Anne sa pangbibiro sa kanya ni Vice at sa tanong kung ano ang ginawa ni Erwan Heussaff para mas lalong ma-in love si Anne sa asawa.

Nabanggit ni Vice na, ‘rati kasi ipinagluluto ka lang niya noong nililigawan ka, sinusulatan ka niya ng masasayang notes, eh, in love ka na? Anong nadiskubre mo after honeymoon para lalo kang ma-in love?’ 

Nabanggit ni Anne na siya ang nagluluto parati ngayon para kay Erwan, pero tinabla siya ni Vice, ‘nagpapakain ka lang pero hindi ka nagluluto’ sabay tawa na naman ng aktres na hindi halos makapagsalita sa mga birada sa kanya ng Unkabogable Star.

Isa pang nakababaliw na hirit ni Vice, ‘anong masarap na pinakain sa ‘yo ni Erwan, noong honeymoon?’ at mas lalong tumawa nang husto si Anne at sabay sagot ng, “‘yung kiss niya, sobrang yummy.’

Balik-tanong ni Vice, ‘na-Glorious ka na ni Erwan?’ At biglang napa-isip si Anne kung sasagutin niya o hindi sabay sabing, ‘mag-asawa naman kami at saka hindi naman na ako 16 (years old).’

Mas lalong naloka ang audience sa larong kuryentehan na answerable ng yes at no at kapag nagsinugaling si Anne ay maga-ground siya.

Unang tanong ni Vice, “nakapaglagay ka na ba ng kissmark?’

Natatawa si Anne at nag-iisip, ‘hindi po.’ Sabay na-ground ang aktres kaya natawa ang lahat.

Pambubuska ni Vice, ‘girl naglagay ka raw.  Siguro ang laki ng kiss mark na ‘yun, hindi lang nahalata kasi ang lagi at nagmukhang bungang-araw.. Kailan ‘yan? Sabi ni Anne, ‘noong kabataan ko?’  Hirit ulit ni Ganda, ”saang part?  “Yuck!” tanging sagot ng aktres.

Do do it every night” balik-tanong ni Vice, “no,” kaswal na sagot ng aktres at totoo naman hindi na-ground si Mrs. Erwan.

Sumunod na tanong, “nabitin ka na ba ni Erwan?” at mabilis na sumagot si Anne ng, “yes.” At totoo ulit. Pero ipinagtanggol ng GGV host na general ang ibig sabihin ng nabitin na puwedeng sa usapan at sabay dagdag ng aktres ng, ‘marami.’

At ang nakakalokang tanong ni Vice, “daks ba si Erwan?”  at mabilis na sumagot si Anne ng, “no.”

Pero nagsinungaling si Anne dahil naibato niya ang laruan dahil na-ground siya at masakit.

Sabi ni Vice, “ikaw lang ang nakasira ng laruan, iyan ang pinakamalaking kasinungalingang ginawa mo sa buhay mo.”

Naaliw kami sa reaksiyon ng mga nakapanood dahil napaka-pribadong tao raw ni Erwan tapos heto at biglang nalaman ng lahat dahil sa pambubuking ng asawa.

In fairness enjoy ang episode ni Anne sa GGV.

Kaya namin ito isinulat ay dahil game sagutin ni Anne ang lahat ng personal questions tungkol sa kanila ni Erwan kapag siguro kaibigan niya ang nagtanong.

Sa nakaraang mediacon kasi ng Aurora ay natanong si Anne kung kailan nila planong magka-baby ni Erwan na para sa amin ay general question na ito sa nag-asawa o mag-asawa.

Pero tinabla ni Anne ang mga nagtatanong at maayos naman niyang sinagot ng, ‘that is a personal question.’

Sabagay, may nagsabi na rin sa amin na huwag tatanungin ang babae kung kailan niya gustong mag-anak lalo na kung ilang taon na rin silang kasal dahil baka kasi may pinagdaraanan silang mag-asawa at makadaragdag sakit pa sa kalooban.

Anyway, mapapanood na ang Aurora sa Disyembre 25 handog ng Aliud Entertainment at Viva Films na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival idinirehe ni Yam Laranas.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …