Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Onanay, malapit nang tuldukan

MUKHANG malapit nang tuldukan ang seryeng Onanay na puro na lang away nina Mikey Quintos at Kate Valdez ang napapanood.

Sa away lang ng dalawanumiikot ang istorya kaya boring na ang dating.

Marahil napapagod na si Nora Aunor na mistulang referee sa dalawang nag-aaway.

Let’s see kung hanggang saan pa iikot ang kuwento.

Coco at Maine, may kilig kaya ang team-up?

MAGKAROON kaya ng kilig ang bagong team-up ng dalawang pinakamayamang artista sa kasaluku­yan? Ang tinutukoy namin ay sina Coco Martin at  Maine Mendoza.

Magka­sama ang dalawa sa 2018 Metro Manila Film Festival, ang Jack Em Popoy.

Paano magkakaroon ng kilig ang dalawa gayung nakabandera sina Maine at Arjo Atayde na nagkaka­mabutihan.

At si Coco naman ay kay Yassi Pressman nauug­nay.

Marahil ganda na lang ng istorya ang magdadala sa lahok na pelikula na pinagbibidahan din ni Vic Sotto.

The General’s Daughter, aarangkada na

PREPARADO na ang ABS-CBN  para sa kanilang bagong serye, The General’s Daughter na pinagbibidahan nina Angel Locsin at Maricel Soriano.

Panay na ang pagpo-promote nila at pagkakalat ng pralala.

May speculations na hindi na aabutin ng September next year ang FPJ’s Ang Probin­syano.

Nakaabang ang marami sa pagtatapos ng action-serye dahil pigang-piga na ang istorya.

Ex-beauty queen, hinangaan ang galing sa Hollywood

KAHANGA-HANGA ang ex-beauty queen Mutya ng Pilipinas Rosemarie De Vera Javier dahil noong December 2 ay tampok siya sa International Music Show kasama ang Earth Wind and Fire, Maricar, at 47OO Michael Kieth, Ciamera Miralles at iba pa.

Hinangaan si Rose ng mga nanood sa Burbahn North Hollywood.

Congrats Rose sa ipinamalas mong galing.

***

BIRTHDAY greetings to December celebrant—Ronnie Ricketts, Donita Rose, Julie Ann Fortich, Anthony Pangilinan, Dr. James Dy, Dindo Arroyo, and his twin sistwr Dr. Jo Ambrocio, Favatini San, and vice mayor ng San Miguel, Bulacan, Roderick Tiongson.

 

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …