Saturday , November 16 2024

Ina, 2 paslit na anak 3 pa patay, 14 sugatan (19 sasakyan inararo ng trailer truck)

 ANIM ang patay habang 14 ang sugatan nang araruhin ng isang trailer truck ang 19 sasakyan sa Sta. Rosa City, Laguna noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Supt. Eugene Orate, Sta. Rosa chief of police, nangyari ang insidente dakong 11:30 pm nitong Sabado sa Sta. Rosa-Tagaytay Road sa Brgy. Sto. Do­mi­n­go, nang isang 14-wheeler trailer truck, mula saTagaytay City, na may kargang bakal, ang nawala sa kontrol.

Ang truck ay sumal­pok sa sasakyan, kabi­lang ang dalawang moto­siklo at isang tricycle at pagkaraan ay sinalpok ang isang bakery at isang bahay.

“Kung makikita ninyo itong Sta. Rosa-Tagaytay Road, deretso naman ho ito. ‘Yun nga lang, downhill po ito kaya mabilis talaga ang impact ng nangyaring collision po rito,” ayon kay Orate.

Ang mga biktima ay dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas. Kabilang sa mga namatay ang isang ina at dalawa niyang anak na may gu­lang na isa at dala­wang taon, pawang naka­tira sa isang boarding house.

Kabilang din sa namatay ang dalawang pasahero ng tricycle at isang empleyado sa bakery.

“Narinig na lang namin na may sumalpok kaya paglabas namin pu­ro alikabok ‘yung nakikita namin. Pero ‘yung ano do’n, boarders ko nagsi­gaw na, ‘tulong, tulong.’ E ‘di naman namin makita kaagad gawa ng sasak­yan na nakaharang kaya hinintay pa namin mga rescue na darating,” pa­ha­yag ni Rina Paglu­mutan, may-ari ng boarding house.

Sinabi ni Orate na pinaghahanap na ng mga pulis ang driver ng trailer truck na tumakas maka­raan ang insidente.

Ayon sa mga saksi, tumalon ang driver bago sumalpok ang truck sa bakery at sa bahay.

Sinabi ni Orate na kilala na nila ang driver ng truck dahil nakuha nila ang ID ng suspek sa loob ng sasakyan.

Nakuha rin sa loob ng truck ang official receipt at certificate of regis­tration ng sasakyan.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *