Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, allergic ‘pag pinag-uusapan kung kailan sila magkakaanak ni Erwan!

AYAW pag-usapan at gustong maging pribado na lang ng lead actress ng pelikulang Aurora na entry ng Viva Films at Aliud Entertainment  sa 2018 Metro Manila Film Festival na si Anne Curtis ang usapin patungkol sa kung kailan ba sila  magkaka-baby ng kanyang asawang si Erwan Heussaff.

Maaa­lalang kadarating lang sa bansa nina Anne at Erwan mula sa isang buwang honeymoon sa Africa, kaya naman hindi naiwasang matanong ito kung kailan nila planong magkaroon ng baby.

Sagot nga ni Anne, “I think, that’s a very private question again. But you know what, it will happen in God’s time and when it happens, I’m gonna share it with everyone.”

Dagdag pa nito, “Super private naman ‘yun.”

At nang matanong ito kung may nabuo ba sa halos isang buwang honeymoon nila ni Erwan sa Africa, “Super private naman ‘yun! Basta we enjoyed in Africa,” pagtatapos ni Anne.

Mapapanood sa araw ng Kapaskuhan, December 25 ang Aurora na kabituin dito ni Anne sina Marco Gumabao, Mercedes Cabral, Sue Prado, Phoebe Villamor, Allan Paule, Ricardo Cepeda, Ruby Ruiz, Andrea Del Rosario atbp..

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …