Sunday , November 17 2024
The Signs John Stephen Baltazar Michael Kumar Anna Reyes Andrew Torres Enzo Ferrari Arciaga
The Signs John Stephen Baltazar Michael Kumar Anna Reyes Andrew Torres Enzo Ferrari Arciaga

Direktor at mga bida ng The Signs, nagpapasalamat sa suporta ng FDCP

NAGPAPASALAMAT si John Stephen Baltazar, ang direktor-writer-producer ng disaster movie na The Signs, sa tulong at suportang ibinibigay ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ni Chairperson Liza Diño Seguerra sa kanyang pelikula.

Tinulungan kasi sila ng FDCP para maipalabas ang The Signs sa pitong SM Cinemas ng Cine Lokal.

Sobrang thankful kami sa FDCP sa pagtulong  sa amin na mabigyan ng oportunidad ang pelikula namin para maipalabas sa SM Cinemas at mapanood ng mga tao ang pinaghirapan namin. Nakakataba ng puso para sa isang direktor at producer na katulad ko na makaramdam ng suporta mula sa FDCP. Talagang ipinush nila sa SM na mabigyan ng chance ang movie namin. Noong makita naman ng SM, um-okay naman sila. Sa FDCP lalong-lalo na kay Ma’am Liza, pati na rin sa SM Cinemas, maraming-maraming salamat!” sabi ni Direk John.

Nahirapan kasi si Direk John na makahanap ng distributor para sa The Signs. Nag-ask kami pero hindi kami nabigyan ng chance na makipag-usap kasi wala kaming big actors. Siyempre tatanungin nila sino ang mga artista mo? And then ‘pag nalaman nila, ‘Ay, hindi kikita iyan!’ That’s it! Mabuti na lang nandiyan ang FDCP na masigasig sa pagtulong sa mga pelikulang gawa ng Pinoy filmmakers.”

Pati nga ang dalawang bida ng The Signs na sina Michael Kumar at Anna Reyes ay nagpasalamat sa FDCP.

Nagpapasalamat kami sa FDCP kasi basically this is my first movie. I’m very happy and blessed to be given a lead role in my first movie. And ngayon maipalalabas na ito sa SM Cinemas with the help of FDCP. Of course, thankful din ako sa direktor namin, sa producers, my co-actors especially Anna who helped me sa mga eksena namin,” ani Michael.

Ayon naman kay Anna, “Thank you FDCP. Super proud kami sa movie na ito kaya to be given the opportunity na maipalabas ito sa SM Cinemas sobrang thankful talaga kami. Kasi ako I’ve been in the industry for quite a while now, so ngayong nabigyan ako ng big break, gusto ko naman na maraming mga tao ang makapanood nito.”

Ang The Signs ay ang kuwento ni Tony Hughes, na ang tatay ay isang sikat na meteorologist na namatay habang nagsasaliksik tungkol sa mga bagyo.

Matutuklasan ni Tony ang manuscript na may nilalaman na predictions ng series of signs na hahantong sa isang malaking sakuna—ang mother of all typhoons.

Magiging responsable siya sa kaligtasan ng kanilang bayan.

Produced by Estudios Filipinas, ang The Signs ay mapapanood simula December 7, sa pitong SM Cinemas ng Cine Lokal – SM Manila, SM Southmall, SM Bacoor, SM Sta. Mesa, SM North Edsa, SM Fairview, at SM Megamall, 1:00 p.m., 3:30 p.m., 6:00 p.m..

(GLEN P. SIBONGA)

About Glen Sibonga

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *