Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Maid in London PCSO
The Maid in London PCSO

The Maid in London, suportado ng PCSO bilang tribute sa pamilyang Pinoy

SINUSUPORTAHAN NG PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) ang pagpapalabas ng advocacy film na The Maid In London. Tampok dito sina Andi Eigenmann at Matt Evans, at mula sa pamamahala ni Direk Danni Ugali.

Ang pelikula ay mapapanood nang libre sa Dec 7 sa Robinson’s Galleria (Cinema 9), 7pm; Dec 9 – Robinson’s Place Las Piñas (Cinema 7), 1p; at Dec 11 -Robinson’s Calasiao, Panga­sinan, 1pm (Cinema 4).

Ang pelikula ay tumatalakay sa mga TNT o tago nang tago sa London at isa nga rito si Margo (Andi), isang mapagmahal na anak na handang gawin ang lahat para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay. Napilitan siyang magtrabaho sa abroad, matapos ang kanyang mga pangarap sa buhay ay mawasak ng lalaking kanyang minamahal.

Ipinaliwanag ni Direk Danni kung bakit sumuporta ang PCSO sa pelikulang ito.

Saad niya, “Dahil they share the same advocacy that Filipino families continue to fight and a very strong fighter especially when it comes to their loved ones. Kasi ‘yung iba, ang nakikita nila at ‘yung napaka-strong na personality ng Filipinos, fighter kahit hindi OFWs, lalo na pagda­ting sa pamilya – ipaglalaban talaga nila.”

Dagdag ni Direk Danni, “This project is made possible thru PCSO General Manager Mr. Alexander F. Balutan. Our purpose is to share the film to senior citizens, women’s orga­nizations and for those people who values family so much. Kaya pinasasalamatan ko rin ang iba pang sumuporta sa pro­yektong ito tulad ng Prego Jeans Ph, Ms. Rhea Tan of Beautederm Corporation, Mahlord Pro­ductions, Jude Cartalaba, Chester Guttierez, Nomel Perez, Annie Magnabion of Robinson’s Cinema, Ms. Aki Galicia-Tsuji, Dr. Shirwel Dagasdas of Revisage Skin Care and Mr. Joel Pastores.”

Ang The Maid in London ay base sa librong Tago ng Tago ni BL Pangasinan. Tampok din dito sina Polo Ravales, Janice Jurado, Joshua de Guzman, Alexis Navarro, at iba pa. Ito’y mula sa Cinemanila.UK at Viva Films. Ang producers ay sina BL Panganiban, Beth Rees, Steve Rees, Mark O’driscoll, Nhing O’driscoll, at Danni Ugali.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Marlon Marcial, gustong sundan ang yapak ni Coco Martin

Marlon Marcial, gustong sundan ang yapak ni Coco Martin

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …