Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shyr Valdez Marian Rivera
Shyr Valdez Marian Rivera

Friendship nina Shyr at Marian, ‘di showbiz

MATALIK na magkaibigan sina Shyr Valdez at Marian Rivera, kaya kinumusta namin sa una kung paano maging kaibigan ang Primetime Queen.

“Honestly, masarap, masarap siyang kaibigan. Kasi hindi siya showbiz na kaibigan.

 “Iyon ‘yung mayroon kami, hindi kami friends just because siya si Marian Rivera or…

“Kasi I’m a very small actor pero hindi ipinaramdam sa akin ni Yanyan (tawag kay Marian) ‘yun at hindi ko rin naramdaman kay Dong ‘yun.

“Kaya sobrang suwerte ko, I think it’s really a blessing to be working with Dongdong after Yanyan kasi nakatutuwa silang mag-asawa, ‘yung pamilya nila sobrang mahal ko ‘yung pamilya nila.

“And it’s just overwhelming,” bulalas pa ni Shyr.

Palagi ngang ipino-post ni Marian sa kanyang Instagram account ang mga pagkaing ibinibigay ni Shyr sa kanya.

“Pinakakain ko ‘yun parati eh,” at tumawa si Shyr.

Si Shyr din ang naging daan para maging celebrity endorser si Marian ng Reverie Home Products ng Beautéderm Home; kaibigan ni Shyr ang Presidente at CEO nitong si Rhea Anicoche-Tan.

Samantala, masayang-masaya si Shyr na buntis na naman muli si Marian.

“Kasi mayroon kaming kuwentuhan niyan, sabi niya , ‘Ate gusto ko ng magbuntis ulit.’

“Eh papunta ako kay Padre Pio sa Batangas noon, ginagawa namin ‘yung ‘Super Ma’am,’ patapos na, sabi ko, ‘Papunta ako kay Padre Pio, isusulat ko, ire-request ko sa kanya.’

“Ipinakita ko sa kanya ‘yun, sabi ko, ‘Eto request ko’, sabi ko sa kanya, nag-Viber ako.

“Tapos siya rin nagpunta na rin sila kay Padre Pio.

“So answered prayed talaga. At sakto sa gusto nilang agwat ng mga anak nila which is three years is a very good gap.”

Kaka-three years old lamang ng panganay nina Marian at Dingdong na si Zia noong November 23 at next year naman isisilang ang bago nilang baby boy.

Bilang si Nanay Tina ay mabait na ina ni Sanya Lopez (as Margaret) ang ginagampanan ni Shyr sa Cain At Abel.

Bago ang Cain At Abel ay sa Super Ma’am ni Marian napanood si Shyr na serye kaya pagkatapos ng Primetime Queen ay ang Primetime King naman na si Dingdong Dantes (as Daniel) ang katrabaho ni Shyr sa isang serye.

Overwhelming  ang experience, ayon kay Shyr.

“Kasi siyempre power couple ‘yun, eh! So from Yanyan to Dong, and pareho naman akong walang masabi sa mag-asawa!

“Whether it’s Yanyan or Dong kasi parehong napakabait, napaka-professional, napaka-maintindihin sa set, hindi lang sa artista kundi sa lahat.”

At nakikita ni Shyr kay Dingdong ang “the director in him.” “Minamatahan” raw ni Dingdong ang mga eksenang kinukunan sa Cain At Abel.“So makikita mo ‘yung dynamics ng pagiging aktor ni Dong at saka ‘yung dynamics ng pagiging director, naroon.

“But since he is the actor this time, hindi siya ‘yung direktor ng show, he submits to the director which is very respectful.

“So makikita mo ‘yung respeto niya sa katrabaho niya ‘pag siya ang direktor at ‘pag hindi siya ang direktor.”

Ang mga direktor ng Cain at Abel ay sina Don Michael Perez at Mark Reyes.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …