SI Atty. Jemina Sy ang isa sa awardees sa nagdaang PC Goodheart Foundation ng businesswoman at maindie film producer na si Ms. Baby Go.
Sasabak sa politika, si Atty. Jemina ay nag-file na ng kanyang kandidatura bilang Marilao, Bulacan mayor. Paano ang kanyang showbiz career, pahinga muna ba? “Puwede namang sabay e, hahaha!” Nakatawang saad niya.
Bakit niya naisipang pumasok sa politika o public service? “Kasi gusto ko naman, magsilbi naman sa nangangailangan. Kasi nakita ko noong nagtayo ako ng foundation, hindi enough ‘yung may foundation lang ako para makagawa ako nang pagbabago talaga, something great para sa bayan ko. So nag-decide ako na tumakbo para mas mayroon akong magawa.
“Sa amin sabi nga namin, kapag ‘yung team namin, Serbisyo, SYgurado… kapag ako ang nanalo, hinding-hindi sila magsisisi. Kami, basic services ang aming ibibigay. Sa ngayon wala kaming public hopsitals, so ‘yun ang one of our main na gagawin. Then wala rin kaming gymnasiums, parks na puwedeng pagdausan ng events. Of course ‘yung kalsada, ‘yung mga kalsada sa amin sa baha, tubig, pagpapaganda ng mga daan, basic services.
“Sabi ko nga kapag ako ang nanalo, ‘pag ako naging mayor ng Marilao, walang mahirap sa Marilao. Lahat makakakain, may trabaho, may libreng ospital, may libreng edukasyon. So kaunlaran ng Marilao ang ating isusulong,” sambit ni Atty. Jemina na ang political party ay NUP at ang kanyang vice mayor ay si Romel Pabale na dating kapitan.
Ang pagiging artista niya at TV host, makakatulong kaya sa kanyang candidacy?
Esplika ni Atty. Jemina, “In a way yes, people will know na I’m very much great to be with, ‘di ba? I’m a professional lawyer and yet talented pa rin ako. I can sing, I can dance, I can act, I’m very versatile, well talented, well rounded individual. Talagang magaling na bata and dalubhasa! Hahaha ‘yun ang tagline ko e,” nakatawang wika niya.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio