Thursday , May 26 2022
Rainbow’s Sunset
Rainbow’s Sunset

Rainbow’s Sunset, isang family movie na dapat panoorin sa MMFF

MARAMI ang makare-relate sa pelikulang Rainbow’s Sunset mula Heaven’s Best Entertain­ment Productions na isa sa entry sa darating na Metro Manila Film Festival simula December 25.

Isa itong family movie na tamang-tama para sa bu­ong pamilya nga­yong Pasko. Pati ang LGBT com­munity ay tiyak na maaantig sa pe­likulang ito. Ma­papanood dito si Ramon, isang da­ting senador na iniwan ang kan­yang pa­milya para sama­han ang kan­yang gay friend (na dati niyang kare­lasyon) na may sakit na cancer, at hindi rito tumutol ang kanyang misis.

Saad ng director nitong si Joel La­mangan, “It’s a family movie fit for Christmas. Very timely ang pelikula dahil tungkol ito sa isang pamilya at kung paano sila nag-cope sa kanilang problema. Relatable rin, tungkol din kasi ito sa pagtanggap sa isang tao anuman ang kanyang gender o sexual preference. Kasi kung mahal mo ang kapamilya mo, kung anumang gender na mayroon siya ay mamahalin mo pa rin siya.”

Nabanggit din ni Direk Joel na hanga siya sa lahat ng artis­tang gumanap dito, dahil sobrang gagaling nilang lahat.

Ang pelikula ay may kurot sa puso at sumasalamin ito sa lagay ng maraming pamilyang Pinoy. Na sa isang pamilya ay may nang­yayari talagang tampuhan, may naliligaw ng landas, may mis­understanding, may nagaganap na awayan, at iba pa, ngunit sa bandang huli ay pamilya pa rin talaga ang mahalaga. ‘Ika nga, blood is thicker than water.

After mong ma­panood ang pelikula, pakiramdam mo ay gus­to mong umuwi ng bahay para agad na makasama ang mga ma­hal mo sa buhay at yakapin sila nang buong higpit.

Anyway, ito ang matutung­hayan sa pelikulang Rainbow’s Sunset na mahusay na ginam­panan ng bigating cast sa pa­ngu­nguna nina Eddie Garcia, Gloria Ro­mero, at Tony Mabesa. Tampok din sa pelikula sina Aiko Melendez, Tirso Cruz III, at Sunshine Dizon. Kasama rin sina Jim Pebanco, Tanya Gomez, Sue Prado, Marcus Madrigal, Noel Comia, Ross Pesigan, Ali Forbes, Adrian Cabido, Neil Marie Dizon, Hero Bautista, Vince Rillon, Zeke Sarmenta, Tabs Sumulong, Benz Sangalang, Ace Cafe at Celine Juan. May special participation dito si Albie Casino at introducing si Shido Roxas.

Ang script ay mula kay Eric Ramos, sa story nina Ferdinand Lapuz, Eric, at ni Direk Joel him­self.

Ngayon pa lang, naniniwala kaming hahakot ng awards ang pelikulang ito simula sa Dec. 27 para sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2018.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Jemina Sy, pagsasabayin ang showbiz at public service

Jemina Sy, pagsasabayin ang showbiz at public service

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Male star kompirmadong gurl

HATAWANni Ed de Leon “KUNG hindi siya bading, bakit siya ‘nag-land of the morning’ noong …

Joshua Garcia Trina Guytingco

Joshua nilinaw ‘di niya syota si Trina Guytingco

HATAWANni Ed de Leon NILINAW ni Joshua Garcia na hindi niya syota kundi tinukso lang sila ni Trina …

Angeli Khang Sharon Cuneta

Sorry Sharon mas feel na ng netizens si Angeli Khang

HATAWANni Ed de Leon MARAMING observers ang nagsasabi, iyon daw nakaraang eleksiyon ay sobrang maraming …

Rhea Tan Marian Rivera Beautéderm Home

Marian budol ng buhay ko; Pinayaman pa niya ako — Rhea Anicoche Tan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SA apat na taong pagiging endorser ni Marian Rivera-Dantes ng Beautederm Home lumalim na …

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Beautéderm Home at Marian Rivera-Dantes, solid na solid pa rin!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ENGRANDENG pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan and idinaos ng Beautéderm Home …

Leave a Reply