Saturday , February 8 2025
Jemina Sy
Jemina Sy

Jemina Sy, pagsasabayin ang showbiz at public service

SI Atty. Jemina Sy ang isa sa awardees sa nagdaang PC Goodheart Foundation ng businesswoman at maindie film producer na si Ms. Baby Go.

Sasabak sa politika, si Atty. Jemina ay nag-file na ng kan­yang kandidatura bilang Marilao, Bulacan mayor. Paano ang kan­yang showbiz career, pahinga muna ba? “Puwede namang sabay e, hahaha!” Nakatawang saad niya.

Bakit niya naisipang puma­sok sa politika o public service? “Kasi gusto ko naman, magsilbi naman sa nangangailangan. Kasi nakita ko noong nagtayo ako ng foundation, hindi enough ‘yung may foundation lang ako para makagawa ako nang pagbabago talaga, something great para sa bayan ko. So nag-decide ako na tumakbo para mas mayroon akong magawa.

“Sa amin sabi nga namin, kapag ‘yung team namin, Ser­bisyo, SYgurado… kapag ako ang nanalo, hinding-hindi sila magsisisi. Kami, basic services ang aming ibibigay. Sa ngayon wala kaming public hopsitals, so ‘yun ang one of our main na gagawin. Then wala rin kaming gymnasiums, parks na pu­wedeng pagdausan ng events. Of course ‘yung kalsada, ‘yung mga kalsada sa amin sa baha, tubig, pagpapaganda ng mga daan, basic services.

“Sabi ko nga kapag ako ang nanalo, ‘pag ako naging mayor ng Marilao, walang mahirap sa Marilao. Lahat makakakain, may trabaho, may libreng ospital, may libreng edukasyon. So kaunlaran ng Marilao ang ating isusulong,” sambit ni Atty. Jemina na ang political party ay NUP at ang kanyang vice mayor ay si Romel Pabale na dating kapitan.

Ang pagiging artis­ta niya at TV host, makakatulong kaya sa kanyang candidacy?

Esplika ni Atty. Jemina, “In a way yes, people will know na I’m very much great to be with, ‘di ba? I’m a pro­fessional lawyer and yet talented pa rin ako. I can sing, I can dance, I can act, I’m very ver­satile, well talented, well rounded in­dividual. Talagang magaling na bata and dalubhasa! Hahaha ‘yun ang tagline ko e,” naka­tawang wika niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Rainbow’s Sunset, isang family movie na dapat panoorin sa MMFF

Rainbow’s Sunset, isang family movie na dapat panoorin sa MMFF

About Nonie Nicasio

Check Also

Baby Go

BG Productions International ni Ms. Baby Go, may pasabog sa 60th birthday celebration

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-SAYA ang ginanap na 60th birthday celebration ni Ms. Baby …

Mark Herras Hermie Jun

Mark may lungkot at anxiety pa rin ‘pag naaalala LGBTQ couple na umampon 

MA at PAni Rommel Placente AYON kay Mark Herras, hanggang ngayon daw ay nakararamdam pa rin …

Cristine Reyes

Cristine napika sa mga basher

MA at PAni Rommel Placente ISA si Cristine Reyes sa mga artistang nag-post ng pakikiramay sa yumaong …

Mark Herras gay bar

Mark Herras ipinagtanggol ng fans: naging praktikal lang

MATABILni John Fontanilla OA ang ibang netizens na kumokondena sa pagsayaw ng former Sparkle Artist na si Mark …

Bryan Revilla Jolo Revilla Lani Mercado

Mag-iinang Revilla ‘di bumoto sa pag-impeach kay VP Sara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DAHIL nga sa hindi pagboto ng mag-iinang Revilla sa Kongreso para sa impeachment …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *