Friday , December 27 2024
Mader Sitang Wilbert Tolentino

Wilbert Tolentino, ipina-blacklist si Mader Sitang

HINDI na makapapasok ng Pilipinas ang Thai internet sensation dahil inaprubahan na ng Bureau of Immigration ang pagiging blacklisted ni Mader Sitang.

Si Mader Sitang iyong sumikat sa kanyang mga viral video sa Facebook.

Ayon sa dating manager ni Mader Sitang na si Wilbert Tolentino, pina-process na ang paglabas ng mga dokumento mula sa BI. Pero iginiit niyang gusto na niyang mag-move on mula sa mala-bangungot na experience niya kay Sitang kahit umabot sa P20-M ang nawala sa kanya.

Sambit pa ni Wilbert nang makausap namin ito sa UBC Shopping Is Helping online store launching na ginanap sa The One 690 entertainment bar, parang nagka-trauma siya sa pangyayari.

Wala naman siyang balak na kasuhan si Mader Sitang dahil hindi na rin naman ito makapapasok ng ‘Pinas.

Kung ating matatandaan, nagsimula ang kontrobersiya nang hindi umano sinunod ni Sitang ang kasunduan nila para sa mga gagawin nilang proyekto kabilang na ang pagiging endorser ng mga produkto ng UBC Shopping.

Bukod pa ang pag-demand ng kampo ni Sitang ng karagdagang payment nang dumating ito mula sa Thailand para sa contract signing noong Nov. 6.

Giit ni Wilbert ukol kay Mader Sitang, “Isa pong fake news. Sana po, lahat tayo, hindi basta maniwala sa mga fake news. Nabiktima tayo lahat. Buong bansa po, naniwala sa kanya.”

Sinabi pa ni Wilbert na hindi abogado si Sitang at nag-donate ng malaki sa mga biktima ng bagyong Yolanda, “Ako kasi ang itinuturo sa social media na ako naman daw ang nagpakalat na lawyer siya, tumutulong sa Yolanda victims.

“Bago ko pa siya nahawakan, talagang kumakalat na ganoon na nga ang news niya, na siya nga po ang lawyer, which is hindi pala. Actually, parang sindikato siya. Pinagtripan ako, eh.

“Parang naghahanap siya ng malaking isda na may kumuha sa kanya, which is isa ako sa nabiktima,” paliwanag pa ni Wilbert.

“Actually nanghingi siya ng sorry, hindi ko na inano eh at saka marami na talaga ang nag-unfollow sa kanya noong nalaman na ang nangyari.”

Sa ngayon, pagtutuunan na lamang ni Wilbert ang bago niyang negosyo, ang UBC Shopping Is Helping, na isang online tambayan ng mga Pinoy na mabibili ang iba’t ibang produkto mula sa beauty, skin care, hair, cosmetics, fashion, at accessories.

“Everytime you go shopping at UBC store, you are extending a helping hand to the needy. Proceeds from sales will go to chosen charitable institution or cause-oriented project,” ani Wilbert.

Mga kilalang transwoman ang magiging ambassador ng online store na ito at posibleng maisama sina Jake Zyrus at Ice Seguerra.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *