Saturday , November 16 2024

ROTC revival hindi sagot, NSTP palakasin — Sen. Bam (Pagbabalik ng ROTC hungkag na kilos para sa pagkamakabayan)

ISUSULONG ni Senador Bam Aquino ang reporma at pagpapalakas sa National Service Training Program o NSTP imbes ibalik ang Reserved Officers Training Corps (ROTC) sa Grade 11 at Grade 12.

Ayon kay Senador Bam, maganda ang layunin ng NSTP nang ipatupad ito sa ilalim ng Republic Act 9163 noong taong 2000 dahil inoobliga rin ng estado ang college students, babae man o lalaki, na sumailalim sa tatlong programa na puwede nilang pagpilian para makatulong sa bayan.

Sa ilalim ng NSTP, sinabi ni Sen Bam na puwedeng pumili ang mga estudyante sa Civil Welfare Training Services para sa social services, Literacy Training Services para magtu­ro sa mga out of school youth, at ROTC para sa disaster at emergency responses.

Binigyang-diin ni Sen Bam na hindi naman kailangan ituro ang pagiging makabayan dahil kapag dumating ang sandaling ‘sasakupin’ o guguluhin tayo ng ibang bansa ay awtomatiko sa mga Filipino na makikipaglaban para sa kanyang bansa.

Naniniwala rin si Sen Bam na hindi na rin kailangan ng panibagong batas para mahikayat ang volunteerism dahil ang kultura ng mayorya ng mga mamamayan ay handang tumulong sa mga panahon ng kalamidad kapag kailangan.

Bagama’t importanteng bahagi ang pagsasa­nay na humawak ng armas sa ROTC, hindi pa rin nito magagarantiya na magiging dalubhasa ang graduates dito dahil maikli at basic training ang ibinibigay sa kanila.

Bukod dito, sinabi ni Sen Bam makailang-ulit na rin napatunayan na nagagamit pa ang ROTC sa pang-aabuso ng mga instructor at madalas din maging mitsa ng korupsiyon.

Nagsumite si Sen. Bam ng resolusyon noong Hulyo 2017 para imbestigahan ang pagpapatupad ng NTSP Law at kung paano ito mapapalakas at mapapaganda.

Kaugnay nito, sinabi rin ng senador na aprobado na sa Senado ang Senate Bill 1607 na nagtatakda ng employment rights sa mga reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang ang retiradong military servicemen at officers, na sumama sa Reserved Force.

Hinihintay na lang ang Kamara na aprobahan ang panukala para maisabatas bago matapos ang taon.

Ayon kay Senador Bam, kung aalagaan din ng estado ang employment rights ng mga retiradong military o police servicemen ay mas maaasahan sila kapag tinawag ng estado para depensahan ang bansa laban sa panlabas na puwersa.

“Ang mga retired police at military ay sanay talagang humawak ng armas at marami silang maitutulong sa panahon ng kalamidad kaya sila ang mas dapat nating sandalan. Pero magagawa lang natin ito kung may katiyakang kinakailangan pa rin sila ng estado hindi lamang sa pensiyon bagkus sa pagkakaroon ng ibang trabaho kahit wala na sila sa serbisyo,” sabi pa ni Sen Bam.

Pagbabalik ng ROTC
hungkag na kilos para
sa pagkamakabayan

ANG pagbabalik ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa curriculum ng mga paaralan sa kolehio ay isang hungkag na kilos para maging makabayan ang mga estudyante sa kabila ng pagsuko ng admi­nis­trasyon sa mga dayuhang interes.

Ayon kay Ak­ba­yan Rep. Tom Villarin isa itong “empty act of patriotism” sa kabila ng pagta­likod ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tungkulin na ipag­tanggol ang teritoryo ng bansa sa pag­sakop ng Tsina.

Nakababahala rin, aniya, dahil sa patuloy na paggamit ni Duterte sa militar para sugpuin ang manaka-nakang insidente ng karahasan.  Ayon kay Villarin, habang ang “state of national emergency” ay ipinatutupad sa buong bansa posibleng gamitin ni Duterte ang ROTC para sugpuin ang lehitimong kilos protesta. (G. BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *