IBINASURA ng Court of Appeals ang nauna nitong kautusan na mediation talks para sa settlement ng mga kasong may kaugnayan sa claims ng developer ng napurnadang Smokey Mountain project sa Tondo laban sa National Housing Authority.
Ang hakbang ng CA ay kasunod ng babala mula sa government corporate counsel laban sa posibleng mapanlinlang na pagbabayad ng P1.1 bilyon ng NHA sa R-II Builders, ang proponent ng reclamation and housing development sa slum area sa Tondo slum noong 1993.
Sa resolusyon, sinabi ng first division ng CA na nagdesisyon silang i-terminate ang mediation proceedings at ibalik ang consolidated cases sa appellate proceedings, kaya’t ang mga kaso ay submitted for decision na.
Nais ng CA na magkasundo ang NHA at RII Builders sa pag-aayos sa gusot.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang NHA na makipag-ayos sa pamamagitan ng pagbabayad sa R-II Builders ng P1.12 bilyon kasama ang karagdagang limang ektaryang property sa Vitas, Tondo.
Ang desisyon ng korte ay kasunod ng panawagan mula sa concerned NHA union officers and senior executives na patalsikin si NHA general manager Marcelino Escalada na sinasabing galing sa grupo ng sinibak na Housing & Urban Development Council Secretary General na si Falconi Millar.
Nahaharap ngayon si Millar sa kasong katiwalian matapos siyang sibakin ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo.
Ang “inconsistencies” sa terms of settlement na inaprobahan ng NHA ang nagtulak sa Office of the Government Corporate Counsel na harangin ang payment at magbabala laban sa pagtatangkang dayain ang pamahalaan sa pamamagitan ng P1.12 bilyong buwis mula sa taong-bayan.
Sa liham kay NHA General Manager Marcelino Escalada noong nakaraang buwan, sinabi ni OGCC chief Elpidio Vega, naguguluhan siya dahil sa kabila ng records ng NHA na nagpapakitang overpayment ng tinatayang P300 milyon ang proyekto ay handa pa rin ang pamahalaan na i-settle ang gusot sa halagang P1,122,416,969.
Ang OGCC ang kumakatawan sa housing agency sa mga kaso nito sa CA.
“NHA’s Accounting Department reviewed the financial claims of RII and presented to the NHA Board its findings that RII had, in fact, been overpaid by around P300 million,” sabi ni Vega kay Escalda sa kanyang sulat.
Gayonman, hindi pinansin ang impormas-yon na ibinigay sa NHA board noong Hunyo, itinuloy pa rin ng board ang pag-iisyu ng resolusyon noong Hulyo na nagbibigay ng awtorisasyon sa settlement, at baguhin ang settlement terms sa ibang board resolution noong October 3.
Dahil sa discrepancy, tinawagan ni Vega ang NHA para i-postpone ang proceeding na ipinag-utos ng korte.
HATAW News Team