Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joyce Cancio, nag-react, natimbog sa buybust ‘di miyembro ng SexBomb

IGINIIT kahapon ni Joy Cancio na hindi miyembro ng SexBomb ang napabalitang nahuli sa isang busybust operation sa Laguna. Ang tinutukoy sa mga naglabasang balita ay si Sheena Joanna Uypico at kinasakasama nito.

Sa mensahe ni Cancio, sinabi nitong hindi kailanman naging miyembro ng Sexbomb si Sheena.

“Kahit nga ‘yung Dance Focus, hindi siya naging miyembro, SexBomb pa kaya?!” paliwanag ni Cancio. “‘Yung mga naging Sexbomb kasi noon eh, nanggaling sa Dance Focus maliban lang sa dalawa na kinuha ko dahil magaling kumanta.”

Ani Cancio, dalawang beses nang lumabas sa balita ang pagkakatimbog ng sinasabing 33-anyos na dating miyembro ng Sexbomb. “Fake news ito kasi nga hindi naman siya miyembro ng SexBomb. Kahit nga itong SexBomb New Generation na ang anak kong si Jara Cancio ang nagpapalakad eh, hindi rin siya miyembro,” sambit pa ni Joy.

Idinagdag pa ni Cancio na dapat hiningi ng mga naglabas ng balita ang kanyang side kung totoo ngang miyembro si Uypico ng SexBomb. “Naka­kasira kasi ng repu­tasyon ng Sex­Bomb na nag­tatra­baho ng maayos. Matitino ang mga miyembro ng Sex­Bomb, mula noon hang­gang ngayon. Ting­nan mo naman may maga­gan­dang ne­gosyo at trabaho na ‘yung mga dating miyembro, ‘di ba?

“Kaya sana, ayusin nila ang report nila,” giit pa ni Joy.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …