AYAW naming mangyari ang hindi dapat pero sa balitang sumali si Marian Rivera kasama ang kanyang asawang si Dingdong Dantes noong Linggo, November 18 sa The Color Run Hero Tour na ginanap sa McKinley West sa Taguig ay dapat maghinay-hinay ito dahil sa kanyang pagbubuntis.
Inamin naman nito na hirap siya sa kanyang ikalawang pagbubuntis kompara kay Baby Zia. Kaya dapat maging extra careful siya para hindi makunan tulad ng nangyari kay Heart Evangelista.
Sana, laging isipin ni Mrs. Dantes na kaya umatras ang kanyang asawa sa pagtakbo sa pagka-senador ay dahil sa pagbubuntis nito. Gustong ituon ng aktor ang kanyang panahon sa pamilya ngayong lumalaki na ito.
ni Alex Datu