Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Piolo Pascual
Jennylyn Mercado Piolo Pascual

Jen-Piolo movie, tuloy na

PAGKATAPOS maka­-tambal ni Jennylyn Mercado si Jericho Rosales sa pelikulang Walang Forever, entry sa 2017 MMFF, may hiling ang  fans na si Piolo Pascual naman ang ipareha sa aktres.

May clamor din na muling pagtambalin sina Echo at Jen dahil successful  ang kanilang tambalan. Pero priority ng Star Cinema ang tambalang Piolo at Jenny at mas maganda kung rom-com and tema para maiba naman sa mga ginawa ng aktor.

Ang latest na balita, nakipag-meeting na si Jennylyn sa Star Cinema pero wala pang detalye kung anong klaseng pelikula ang gagawin.

Masuwerte ang aktres dahil bago matapos ang taon ay may gagawin pa itong pelikula sa December 19 na ang makakatambal ay si Gabby Concepcion.  

And what a surprise dahil ipapasok sa movie si Derek Ramsay.

Hmmmmp, does it mean, ‘di matutuloy ang planong pagpirma ng kontrata ng aktor sa GMA-7?

Sa kabilang banda, happy ang fans ng aktres dahil open ito sa relasyon nila ni Dennis Trillo.  Madalas ngayong mag-post ng pictures ang aktres na kuha here and abroad. At ang nakakikilig sa kanila ay ang tawagang  Love of my Life.

Hence, ang tanging iniisip ng mga ito ay sa kasalan ito matutuloy.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …